balsa


bal·sá

png |[ Esp ]
1:
Ntk sasakyang pantubig na yarì sa pinagdatig-datig na mga kawayan o punongkahoy : ÁBAY5, ÁROR, BANGKÍLAS2, BÁRSA, GÁKIT2, LAMÒ, RAFT1, RAKIT
2:
kasangkapang yarì sa dikit-dikit na maiikling pútol ng kawayan at ginagamit na pampatag o pandurog ng lupa.

bál·sa

png |[ Ing ]
1:
uri ng kahoy na matibay, magaan, at ginagamit sa paggawâ ng mga modelo at katulad
2:
Bot punongkahoy (Ochroma pyramidale ) na katutubò sa tropikong America.

bál·sam

png |Kem |[ Ing ]

bál·sa·mó

png |Kem |[ Esp ]
:
aromatikong oxidation ng resina, tulad ng pampahid o pabangong nakukuha mula sa iba’t ibang punongkahoy at palumpong na ginagamit na base sa ilang pabango o preparasyong medikal : BÁLSAM