banaw
ba·náw
pnd |ba·na·wín, mag·ba·náw |[ ST ]
1:
tanáwin mula sa matarik o malayong pook var banáhaw
2:
ihalò ang panghalò sa langis ; ang paminta sa pagkain.
Bá·naw
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Tinggian.
ba·ná·wag
png |Heo |[ Ilk ]
:
daanan sa bundok.
ba·ná·wan
png
:
bolang kristal na ginagamit ng mga manghuhula.
ba·ná·we
png |Zoo |[ Ifu ]
:
maliit na ibong kulay dilaw na mas malaki sa kilyawan at sinasabing pinagkunan ng pangalan ng Banaue.
ba·ná·wog
png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, uri ng galáng na gawâ sa itim na korales.