• bang•ká

    png
    :
    hugis bangkang lalagyan ng kopra, yarì sa matigas na kahoy at hinihila ng kalabaw

  • bang•kâ

    png
    1:
    maliit na sasakyang pantubig, karaniwang inuka sa kahoy, ginagamitan ng sagwan upang umusad, at may layag o katig kung minsan
    2:
    pangkalahatang tawag sa lahat ng maliit na sasakyang pantubig
    3:
    sa sugal, tao na kalaban ng tumatayâ

  • lang

    pnb | [ Seb Tag ]
    :
    pinaikling anyo ng lámang

  • bang•kà

    png | Zoo | [ War ]

  • auld lang syne (óld lang záyn)

    png | [ Ing Sco ]
    :
    panahong matagal nang nakalipas