ban•táy 1: sinumang may tungkuling mangalaga sa isang bagay, tao, o pag-aari 2: bákay1 3: silò na may kawayan na panghúli ng ibon
sa•lá•kay 1: paggawâ ng isang marahas at agresibong kilos laban sa isang tao, pook, bagay, o pangkat ng mga ito 2: katulad na kilos laban sa itinuturing na masamâng idea, problema, o panig 3: sa isports, katulad na kilos laban sa katunggali o kabilâng panig 4: kung sa digma, kampanya na gumagamit ng hukbo at mga sandata túngo sa pagwawagi