bantol


ban·tól

png |Zoo |[ Seb ]
:
maliit hanggang malakí-lakíng uri ng isdang-dagat (family Scorpaenidae ) na may malakíng ulo na bukól-bukól at matinik, malakí ang bibig, at katawan na bukól-bukól ang hugis ; lubhang makamandag ang tinik sa mga palikpik : ÁMPO, SCORPIONFISH, TÚNOK Cf LÁLLONG

ban·to·lán

png |[ Bik ]
:
dagdag na kawal o kagamitan.

ban·to·lí·naw

png |Asn
:
pagdilim ng araw sa pagsisimula ng eklipse.