baril


ba·ríl

png |Mil |[ ST ]
:
pangkalahatang tawag sa sandatang pangkamay at pumuputok : FIREARM, GUN, PALTÓG

ba·ri·lá·son

png |Zoo |[ Bik ]

ba·ríl-ba·rí·lan

png
:
laruang baril : ESKOPETÍLYA

ba·rí·les

png |[ Esp barril+es ]
1:
sisidlang yarì sa kahoy, matambok ang mga gilid, pabilóg at sapád ang magkabilâng dulo, at may paikot na mga talìng yarì sa kawayan, yantok, o metal : BARREL1
2:
Kol tawag sa tao na napakatabâ
3:
Zoo tawag sa malakíng tambakol.

ba·ríl·ya

png |[ Esp barilla ]
1:
makitid at tuwid na bára, karaniwang yarì sa kahoy o metal : ROD1
2:
kristal na báras na panghalò o pambatí
3:
maliit na bareta.