• bás•ket
    png | [ Ing ]
    1:
    galálan na yarì sa nilálang himaymay ng damó, pinatuyông dahon ng bule o sasá, tinilad na kawáyan o yantok, plastik, at katulad
    2:
    anumang kahawig sa hugis o gámit nitó
    3:
    sa basketbol, net na nakakabit sa buslong nilulusutan ng bola
    4:
    sa basketbol, puntos kapag lumusot ang bola sa buslo
    5:
    pangkat o saklaw ng mga salapi
  • basket case (bás•ket keys)
    png | Kol | [ Ing ]
    1:
    tao na nawalan ng lahat ng kamay at paa
    2:
    bagay o tao na itinuturing na walang pag-asa, gaya ng bangkaroteng bansa o tao na baliw