• ba•tì

    png
    1:
    pagtawag sa isang nakasalubong o nakíta
    2:
    pahayag ng pagkalugod sa isang tao na nagdiriwang
    3:
    pagpansin sa hindi magandang asal

  • ba•tî

    png
    :
    kilos upang ibalik ang pagkakaibigan sa pama-magitan ng muling pag-uusap

  • ba•tí

    png | [ Esp batir ]
    1:
    paghalò at pagdurog ng anumang bagay upang maging ganap na lusaw
    2:
    salsál1

  • bá•ti

    pnr | [ ST ]
    :
    mawalan ng sigla

  • kú•ling

    png | Ntk | [ Ilk ]
    :
    bangkang maliit na ginagamitan ng sagwan

  • ku•líng

    png
    1:
    pagbawi ng pangako
    2:
    malakí at walang balahibo sa ulong myna (Sarcops calvus), itim ang balahibo na may mga bahid na pilak at putî at may pink na balát sa paligid ng matá

  • Ma•li•gá•yang Ba•tì!

    pnd | [ ma+ligáya +na batì ]
    :
    masayáng pagbatì sa kaarawan, tagumpay, at katulad