batya


bat·yâ

png
1:
malakí at maluwang na sisidlan, karaniwang ginagamit na lalagyan ng tubig : PANASTÁN2
2:
malukong at pabilog na uka.

bat·yág

png
:
varyant ng matyág.

bat·yág

pnd |bat·ya·gán, bu·mat· yág, mag·bat·yág |[ ST ]
1:
pakinggan o makinig
2:
mag-asikaso o asikasuhin.

bát·yag

png |[ Hil ]
:
málay o kamalayan.

bat·yáw

png
1:
tao na tagapagturo o tagapaghimaton
3:
paniniktik o pagmamanman.

bat·yá·wan

png
:
papag sa pabahay ng malaking baklad na ginagamit na pahingahan at pinaglalagyan ng gamit ng bantay sa baklad.