bawi
ba·wì
png |pag·ba·wì |[ Bik Hil Kap Seb Tag War ]
1:
muling pagkuha sa bagay na naibigay na : KULÌ1
2:
pagbabalik ng salaping natálo sa sugal sa pamamagitan din ng sugal : KULÌ1
3:
pagbabago ng nasabi o naipangako : KULÌ1
bá·wig
png
1:
pantikwas o pang-alsa ng mabigat na bagay : BÁWAY3
2:
Psd gawâ sa kawayang panghúli ng isda : BÁWAY3
3:
kawayang puluhan para sa bitag ng ibon : BÁWAY3
ba·wi·gán
png |[ ST ]
:
kawayang pinagtatalian ng binabanat na talì o lubid.
bá·wit
png |Med |[ ST ]
:
daliring nabalikukô.