• ba•yá•ni

    1. :
      mangibabaw o pangibabawan
  • ba•yá•ni

    1. 1:
      tao na may kahanga-hangang katapangan at abilidad
    2. 2:
      tao na itinuturing na may kahanga-hangang katangian at may nagawâng napakahalaga
    3. 3:
      pangunahing tauhang laláki sa dula, kuwento, pelikula, at katulad
    4. 4:
      a
      nilaláng na may katangiang tulad ng mga diyos
      b
      mandirigma na may espesyal na lakas, tapang, o abilidad
    5. 5:
      gawaing panlahat
  • A•raw ng mga Ba•yá•ni

    1. :
      pambansang paggunita sa mga namatay sa Rebolusyong Filipino at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginaganap tuwing hulíng araw ng Agosto