ba•yóg 1: sa sinaunang panahon, isang hungkag na katawan ng punongkahoy na isinasabit sa harap ng munisipyo upang magsil-bing babalâ o hudyat 2: punongkahoy (Pterospermum diversifolium) na habilog ang dahon, may limang sulok ang balát ng bunga, at nakukunan ng tina ang balát 3: bayúgin3
bá•yok 1: punongkahoy na nakukunan ng himaymay ang banákal at nagagamit na pangkulay ang katas 2: panulaang mabilis na kinakatha ng mga katutubò tungkol sa isang okasyon, pagpuri sa isang tao, at ilang bahagi ng Darangan 3: áwit1 4: sa sinaunang lipunan, laláking nakasuot pambabae at gumaganap na babaylan