bes
bé·so-bé·so
png |[ Esp ]
:
pagdidiit ng pisngi ng dalawang tao, tanda ng pagbatì.
best
pnr |[ Ing ]
:
pinakamahusay, pinakamainam, o pinakamagalíng.
bes·ti·dú·ra
png |[ Esp vestidura ]
:
lona o trapal na ikinakabit sa paligid ng karitela at ginagawâng pantábing kung umuulan.
bes·ti·yál
pnr |[ Esp bestial ]
:
panghayop ; may katangiang parang hayop.
best man
png
1:
sa kasal, pangunahing abay na laláki ng nobyo
2:
pinakamahusay sa isang paligsa-han.
best seller (best sé·ler)
png |[ Ing ]
:
mabili o mabentang aklat, plaka, teyp, at iba pang produkto.
bes·tu·wár·yo
png |[ Esp vestuario ]
:
bihisán ng pari sa simbahan kapag nagmimisa o pagkatapos ng misa.