bini


bi·nì

png
:
hinhín — pnr ma·bi·nì.

bi·ni·bí·ni

png
1:
babaeng walang asawa : MISS Cf BB, DALÁGA
2:
nása malaking titik, tawag sa babaeng wa-lang asawa o babae na may asawa subalit pinananatili ang apelyido nitó sa pagkadalaga, karaniwan sa pro-pesyonal na dahilan ; o titulo ng isang reyna ng kagandahan : BB, MISS
3:
karaniwang tawag sa babaeng hindi kilala : MISS Cf BB

bi·nig·kís

png |Agr |[ bi+in+igkis ]
:
mga bagay na pinagsama-sama sa pamamagitan ng tali, gaya ng binigkis na bagong gapas na palay.

bi·níg·nit

png |[ Seb ]

bi·nig·sá

png |[ ST ]
:
uri ng kuwintás var binigsayán

bi·nig·sa·yán

pnr |[ ST binigsa+yan ]
:
varyant ng binigsá.

bi·ni·kî

pnr |[ ST ]
:
balisá at lubhang nababahalà : WINGKÍ

bi·ní·ray

png |Ntk |[ ST ]
:
malakíng sasakyang-dagat.

Bi·ni·rá·yan

png |[ Hil ]
:
pagdiriwang na paggunita sa maalamat na pagdatíng ng sampung datung taga-Borneo sa baybayin ng Malandag, San Jose, Antique.

bi·ni·rí·bid

png |[ Bik ]
:
kakaníng hugis pilipit at gawâ sa galapong.

bi·ni·sá

pnd |bi·ni·sa·hín, mag·bi· ni·sá |[ ST ]
:
takutin o sindakin.

bi·nít

png |[ Bik ]

bí·nit

png |[ Kap Tag ]
:
pagbatak ng talì upang umigting, gaya ng pagbinit sa talì ng pana.

bi·ní·wang

png |Bot
:
palumpong (Clerodendrum speciosissimum ) na 4 m ang taas, malalakí ang dahon na habilog at sungki-sungki ang gilid, may nakapumpong bulaklak sa dulo ng tangkay at kulay pulá.

bi·ni·yág

png |[ ST ]

bi·ni·yá·gan

pnr |[ ST ]

bi·ni·yó·as

png |Sin |[ ST ]
:
uri ng manipis na kuwintas, gawa sa ginto, na isinusuot ng mga babae.