• bi•tu•ín

    png
    1:
    anumang lawas pangkalawakan, maliban sa buwan, na natatanaw bilang kumikislap na mga tuldok sa madilim na langit
    2:
    anuman sa malalaki at nagniningning na lawas pangkalawakan, gaya ng araw, na may sariling liwanag
    3:
    lawas pangkalawakan, gaya ng mga planeta, na itinuturing na may kinalaman sa mga tao at sa mga pangyayari
    4:
    a pigurang heometriko na may lima o higit pang puntong sumisinag mula sa gitna b anumang kahugis nitó
    5:
    a tanyag na artista o mang-aawit b artistang gumaganap ng pangunahing papel sa isang palabas c tao na nangunguna o kapansin-pansin sa isang larangan