bulan
bu·lan·dál
png
1:
matandang dalaga o binata
2:
babaeng inabandona ng kaniyang bána.
bu·lan·dáy
png |Bot |[ Ilk ]
:
bunga ng bulé.
bu·lan·dít
pnd |bu·lan·di·tán, i·bu·lan·dít, mag·bu·lan·dít |[ ST ]
:
tumilansik ang tubig.
bu·lan·dóng
png |Ana |[ ST ]
:
napakalakíng utong.
bu·lang·gáw
png |Med
:
sakít sa matá na hindi nakakikíta sa dilim.
bu·la·ngít
pnr
1:
umiihip sa lahat ng direksiyon, gaya ng paiba-ibang hihip ng hangin
2:
kasáma lahat.
bu·lang·láng
png |[ Kap Tag ]
bu·lang·láng
pnr |[ ST ]
:
hindi maayos ang pagkakagawâ.
bú·lan·tú·big
pnr |[ ST ]
:
kulay na halos kulay naranha.