pá•ge : isda (order Batifor-mes) na malapad, sapád, at may palikpik na tíla pakpak at buntot na mahabà at makitid
bun•tót 1: dulong puwitan o paghabà ng dulong puwitan sa katawan ng isang hayop 2: bahaging nása kabilâng dulo ng ulo ng isda 3: anumang kahawig ng buntot ng hayop sa anyo o puwesto, gaya ng maluningning na landas ng kometa o ng puwitan ng eroplano 4: hulihán, pang-ibabâ, o mahinàng bahagi ng anuman 5: pagsunod ng isa sa nauuna, hal tulad ng isang pila
frónt page (front peydz) : ang unang páhiná ng peryodiko, lalo na ang naglalamán ng mahahalaga at katangi-tanging balita
title page (táy•tel peydz) : pahina sa simula ng aklat na nagla-lamán ng pamagat, pangalan ng may akda at editor, at impormasyon sa publikasyon.