bus
bus (bas)
png |[ Ing ]
1:
malakíng pampasaherong sasakyan na karaniwang may takdang ruta : KAMYÓN2
2:
agapay na sirkito na umuugnay sa mga pangunahing component ng isang kompyuter at nagpapahintulot sa paglilipat ng mga impulsong elektriko mula sa mga konektadong komponent.
bu·sá
png
1:
pagsangag o pagtosta sa bigas o mais
2:
malakas na tinig ng mga nagtatálo o nag-aaway
3:
Med
[Ilk]
kalabà ng matá.
bú·sag
png |[ ST ]
:
pagsasalita nang may matinding gálit.
bu·sá·gak
png |[ Seb ]
:
tunog ng tubig na umaapaw o bumabálong.
bu·sá·in
png |Bot |[ Hil ]
:
hindi kalakihang punongkahoy (Bruguiera gymnorrhiza ), mamulá-mulá ang dahon.
bú·sak
pnr |[ ST ]
:
napakaputî o nakasisilaw sa putî.
bu·sa·kít
pnr |[ ST ]
:
masikap sa gawain.
bu·sak·sák
pnr
:
punông-punô o hitik na hitik, gaya ng busaksák sa bunga ang haláman o busaksák sa bulutong ang mukha.
bu·sál
png |[ Esp bozal ]
bú·sal
png |Bot
bu·sá·li
png |[ Hil ]
:
kakaibang kapangyarihan.
bu·sa·lí·an
png |[ Hil ]
:
laláking may kakaibang kapangyarihan at may nagawâng kabayanihan.
bu·sá·ngot
png
:
pag-ismid na nakanguso.
Bu·sáw
png |Mit |[ Bag ]
:
masamâng espiritu na kumakain ng bangkay at nagdudulot ng kapahamakan sa tao.
Bú·saw
png |Ant
:
pangkating etniko na matatagpuan sa kabundukan ng Sigay sa gitna ng Abra at Ilocos Sur.
bushel (bú·syel)
png |Mat |[ Ing ]
:
sukat na kapasidad para sa mais, bungangkahoy, likido, at mga katulad.
bushido (bú·syi·dó)
png |[ Jap ]
:
kodigo ng karangalan at mabuting pag-uugali ng samurai.
bu·si·gít
pnr |[ Ilk ]
:
sirâ1 o may pilat.
bu·sí·na
png |Mek |[ Esp bocina ]
:
kasangkapang pansasakyan na pinatutunog bílang hudyat o babalâ : PÓTPOT1
bu·síng
png
1:
Ana
[ST]
balát sa dulo ng ari ng batàng laláki
2:
[ST]
salsál1 o pagsasalsál.
bú·sing
png |Mek |[ Ing bushing ]
1:
Ele
lining para sa bútas at nagsisilbing aislamyento at pananggol sa pagkagasgas ng isa o higit pang conductor na dumaraan dito
2:
Mek
napapalitang manipis na túbo, karaniwang tanso, nása kaha o housing, at nagsisilbing bearing ; o napapalitang túbo na yarì sa matigas na bakal at ginagamit na giya para sa iba’t ibang kagamitan o bahagi ng mákiná, gaya sa balibol.
bu·si·sì
png
1:
[Kap Tag]
kabagalan sanhi ng labis na atensiyon
2:
Ana
[ST]
lambi ng balát sa uten
3:
[ST]
salsal1 o pagsasalsál.
bu·si·síng
png |[ ST ]
:
busisi3 o pagbusisi, ngunit higit na malimit.
bus·ka·pi·yé
png |[ Esp buscapie ]
:
uri ng paputok na tumatalbog-talbog kapag sinindihan kayâ parang nanghahabol Cf WÁTUSI3
bus·lô
png
:
basket na makipot ang bibig, maaaring masinsin o maluwang ang pagkakalála at may takip, karaniwang sisidlan ng húling isdâ : BANDÌ,
HALUGHÚGAN
bus·lóg
png |[ ST ]
:
gawaing karnal, gaya ng pagbusisi at pagtatalik ng isang babae’t laláki.
bus·ló·gin
pnr |[ ST buslóg+in ]
1:
pangit ang pagkabigkis
2:
pakawala o puta.
bú·so
png |[ Esp buzo ]
:
tao na sumisisid at humihinga sa pamamagitan ng daláng tangke ng oxygen o túbong mula sa ibabaw ng tubig : BUSEADÓR
bú·sod
png |Med |[ ST ]
:
paninigas ng tiyan.
bú·sog
png |Isp |[ ST ]
bu·só·gan
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng saging.
bú·sog-sor·lán
png |[ ST ]
:
materyal na ginagamit para gumawâ ng pulunan ng búsog.
bu·sók
png |[ ST ]
:
ang hindi pagdaloy nang maayos ng tubig sa isang kanal.
bus-ók
pnd |bus-u·kín, i·bus-ók, ma·bus-ók |[ ST ]
:
basagin sa mga palad ang itlog, prutas, atbp.
bú·sok
png |[ ST ]
1:
pagkalubog ng paa sa lupa
2:
paglalaho, o ang kilos para itago ang isang bagay.
bu·són
png |[ Esp buzón ]
:
kahon sa harap ng bahay o sa bangketa para paghulugan ng koreo.
bú·song
png
1:
[ST]
walang utang-na-loob
2:
[ST]
parusa na dumating sa isang tao nang hindi nalaláman kung kanino nagmula
3:
[Ilk]
kondenádo2
bú·song-bú·song
png |[ ST ]
:
koronang ginto na ginagamit ng katalonan var básong-básong
bu·só·ran
png |Ark |[ Ilk ]
:
batangan ng mga soléras ng sahíg.
bust (bast)
png |[ Ing ]
1:
Ana
dibdib o súso ng babae
2:
Ana
sirkumperensiya ng katawan ng babae sa bahaging dibdib
3:
Sin
bústo.
bu·súng
png |[ Tau ]
1:
parusa, kaparusahan, o pagpaparusa
2:
sumpâ3 o pagsumpâ.
bú·sung
png |Med |[ Kap ]
:
pamamagâ ng pusón sanhi ng hindi regular na pagreregla.
bu·su·wáng
pnr |[ ST ]
:
natusok ng pakò sa paa.