butete


bu·te·tè

png |Zoo
:
yugto ng búhay ng palaka kapag wala pa itong paa at tíla isdang may malaking tiyan : BUTÍLAW, TADPOLE, ULO-ULO1

bu·te·tè

pnr |Kol
:
may malaking tiyan o puson.

bu·té·te

png
1:
Zoo uri ng nakalalasong isda (Tetodron lunaris ) : LANGIGÍDON, PUFFERFISH, TAGUTÚNGAN, TAMBORÁWAN, TÍKONG
2:
Bot yerba (Cleome spinosa ) na mabalahibo.

bu·te·tèng-láot

png |Zoo |[ butéte+ng-láot ]
:
malaki-laking uri ng isdang-dagat (family Diodontidae ), malaki ang matá, at may matatalim na tinik sa ulo at katawan : DÚTO, PORCUPINE-FISH