unlaping may gamit padam-dam gaya ng kay, hal Kaganda!, Kagalíng!
ká-
1:
pambuo ng pang-uri at nag-sasaad ng kaliitan ng bílang, dami, o halaga ng anuman, hal kapiraso, kaikli
2:
pambuo ng pang-uri na nagbibigay-diin sa antas nitó at dinudugtungan ang salitâng-ugat ng –an o –han; ginagamit kasáma ng hindi o di , at ipinapalagay na isang pang-alipusta, hal “Di kágalingan ang pagkakágawâ.”
pambuo ng pandiwa at nagpapahiwatig ng kilos na katata-pos lámang, na may pag-uulit sa unang pantig ng salitâng-ugat, hal kaáalís, kagágawâ
2:
pambuo ng pandiwang balintiyak, nagpapahi-watig ng saloobín o damdamin, at dinudugtungan ang salitâng-ugat ng -an o -han, hal kaawaán, katuwàan
3:
pambuo ng pandiwa na inuulit upang magbigay-diin at magpahi-watig ng hindi inaasahang kilos, hal kabása-bása niya sa diyaryo
4:
pambuo ng pandiwa at nagpapahi-watig ng pag-uulit o pagpapatúloy sa gawain, na may pag-uulit sa unang pantig ng pandiwa, hal kásasalitâ, kásusúlat
5:
pambuo ng pandiwa, nagpapahiwatig ng kilos na higit sa karaniwan, at dinudugtu-ngan ang salitâng-ugat ng –an o –han, hal Kátaasán mo ang pagsabit ng talì
Ka
:
tawag paggálang na ikinaka-bit sa pangalan ng nakatatanda o malayòng kamag-anak, hal Ka Bestre
ka-
1:
pambuo ng pangngalan at nangangahulugang kapuwa o kasá-ma sa isang gawain, hal kakláse, katrabáho
2:
pambuo ng pangnga-lan at nagpapahayag ng relasyon o pagkakasapi, na may pag-uulit sa unang pantig ng salitâng-ugat, hal kababatà, kababáyan
3:
pambuo ng pangngalan at nagpapahiwatig ng kaisipang pagpapatúloy sa mabuting samahán, na may pag-uulit sa salitâng-ugat, hal kalaró-larô, kasáma-sáma
4:
pambuo ng bagong pang-ngalan mula sa pang-uring salitâng-ugat upang idiin ang pag-aari, katangi-an, o pagiging abstrakto, at dinudugtu-ngan ang salitâng-ugat ng –an o -han, hal kahirápan, kadakilàan
5:
pambuo ng pangngalan at nagsasaad ng resiprosidad, pagkakasabay ng kilos, o kolektibong samahán, at karani-wang dinudugtungan ang salitâng-ugat ng –an o -han, hal káliwàan, kátuwàan
ká
:
sa sinaunang Ehipto, pinaniniwalaang espiritwal na bahagi ng isang indibidwal na tao o diyos na nabúhay, at may kakaya-hang manatili sa estatwa ng nama-tay na tao
san-
:
varyant ng sang- at a ginagamit sa mga salitâng nagsisimula sa d, l, r, s, o t, hal sandugo, sandipa, sanlibo b dinudugtungan ng hula-ping , an, hal sanlibutan
ká
1:
isahang panghalip panao na nása ikalawang panauhan