car
car (kar)
png |[ Ing ]
CAR (si ey ar)
daglat |Heg |[ Ing ]
:
Cordillera Administrative Region.
carabao grass (ká·ra·báw gras)
png |Bot |[ Ing ]
:
kumakalat na damo (Paspalum conjugatum ) at may mga dahong makitid, sapád, at 20 sm ang habà, katutubo sa tropikong America ngunit laganap na ngayon sa buong Filipinas.
carabineer (kár·a·bi·nír)
png |[ Ing Fre carabinier ]
:
sundalong karbin ang pangunahing sandata.
caracara (ká·ra·ká·ra)
png |Zoo |[ Esp ]
:
ibong mandaragit na matatagpuan sa tropikong America, kapamilya ng lawin ngunit kahawig ng buwitre.
carafe (ka·ráf)
png |[ Ing Fre ]
:
maliit na sisidlan ng tubig o alak.
CARAGA (ka·rá·ga)
png |Heg |[ Ing ]
:
tinatawag ding Rehiyon XIII, rehiyon sa Filipinas na nilikha sa pamamagitan ng Republic Act 7901 noong 23 Pebrero 1995, binubuo ng mga probinsiyang Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, at Surigao del Sur, at matatagpuan sa hilagang-silangan ng Mindanao.
Carancal (ka·ráng·kal)
png |Lit
:
sa panitikang bayan ng Batangas, tau-hang maliit pero may pambihirang lakas.
carbo- (kár·bo)
pnl |[ Ing ]
1:
nangangahulugang may halòng carbon, hal carbohydrate
2:
pinaikling carbohydrate.
carbohydrate (kár·bo·háy·dreyt)
png |BioK |[ Ing ]
:
alinman sa malaking pangkat ng organikong compound na pinagkukunan ng enerhiya at binubuo ng carbon, hydrogen, at oxygen Cf CARBO2
carbonado (kar·bo·ná·do)
png |[ Por ]
:
itim na uri ng diyamante na ginagamit na pambutas o pamputol.
carbon copy (kár·bon ká·pi)
png |[ Ing ]
1:
duplikado ng anumang bagay na isinulat o iminakinilya na ginagamitan ng carbon paper
2:
tao o bagay na kamukhangkamukha.
carbon dating (kár·bon déy·ting)
png |Kem |[ Ing ]
:
ang pagtiyak sa gúlang ng isang organikong bagay alinsunod sa proporsiyon ng mga carbon isotope na nilalamán nitó.
carbon dioxide (kár·bon dáy·ok·sáyd)
png |Kem |[ Ing ]
:
gas (CO2) na walang kulay, walang amoy, hindi nasusunog, at nása atmospera.
carbonic acid (kar·bó·nik á·sid)
png |Kem |[ Ing ]
:
mahinàng acid, H2 CO3 na nabubuo kapag tinunaw ang carbon dioxide sa tubig.
carbon monoxide (kár·bon mó·nok·sáyd)
png |Kem |[ Ing ]
:
walang kulay, walang amoy, at nakalalasong gas (CO) na nabubuo mula sa hindi kompletong pagsunog ng carbon.
carbon paper (kár·bon péy·per)
png |[ Ing ]
:
papel na nababalutan ng solusyon ng carbon na inilalagay sa pagitan ng mga papel upang makagawa ng duplikado : KARBÓN2
carbonyl (kár·bo·níl)
png |Kem |[ Ing ]
:
compound na binubuo ng metal na may halong carbon monoxide, gaya ng nickel carbonyl.
carboxyl (kar·bók·sil)
pnr |Kem |[ Ing ]
:
nagtataglay ng carboxyl group.
carboxyl group (kar·bók·sil grup)
png |Kem |[ Ing ]
:
pangkat ng univalent COOH na nása at may katangian ng mga organikong acid carboxyl radical.
carboxylic acid (kar·bók·si·lík á·sid)
png |[ Ing ]
:
anumang organikong acid na kabílang sa isa o higit pang carboxyl group.
carcinogen (kar·sí·no·dyén)
png |Med |[ Ing ]
:
anumang substance na nagdudulot ng kanser : KARSINOHENO
cardiac (kár·dyak)
pnr |Med |[ Ing ]
1:
may kaugnayan sa puso : KARDÍYAKÓ
2:
ipinanlulunas sa sakít sa puso : KARDÍYAKÓ
3:
may sakít sa puso : KARDÍYAKÓ
cardiac output (kár·dyak awt·put)
png |Med |[ Ing ]
:
volume ng dugo (litro) mula sa kaliwang ventricle ng puso sa bawat minuto.
cardigan (kár·di·gán)
png |[ Ing ]
:
uri ng jaket na may mahabàng manggas at mga butones sa harap.
cardinal adjective (kár·di·nál á·dyik·tív)
pnr |Gra |[ Ing ]
:
pang-uring pamílang1
Cardinal fish (kár·di·nál·fish)
png |Zoo |[ Ing ]
cardio- (kár·dyó)
pnl |Med |[ Ing ]
:
tumutukoy sa puso.
cardiogram (kár·dyo·grám)
png |Med |[ Ing ]
:
talâ ng aktibidad ng kalamnan sa puso na ginagawa ng cardiograph.
cardiograph (kár·dyo·gráf)
png |Med |[ Ing ]
:
aparatong nagtatalâ ng aktibidad ng kalamnan ng puso : KARDIYÓGRAPÓ
cardiography (kar·dyó·gra·fí)
png |Med |[ Ing ]
:
sistema sa pagtatalâ ng aktibidad ng kalamnan ng puso : KARDIYOGRAPÍYA
cardiology (kar·dyó·lo·dyí)
png |Med |[ Ing ]
:
sangay ng medisina na nakatuon sa mga sakít at abnormalidad ng puso : KARDIYOLOHÍYA
cardiopulmonary (kár·dyó·púl·mo·ná·ri)
pnr |Med |[ Ing ]
:
may kinalaman sa puso at bagà.
cardiovascular (kár·dyó·vás·kyu·lár)
pnr |Med |[ Ing ]
:
may kinalaman sa puso at mga daluyan ng dugo.
caregiver (keyr gí·ver)
png |[ Ing ]
:
tao na ang hanapbuhay ay magbigay ng kalinga o pangangalaga sa ibang tao.
careo (ka·ré·yo)
png |Pol |[ Esp ]
:
pamamaraang panghukuman na pinaghaharap o may komprontasyon ang mga saksing may magkasalungat na opinyon.
caress (ka·rés)
png |[ Ing ]
:
kilos na nagpapakíta ng pagmamahal gaya ng yakap, haplos, at halik.
Caribbean (ka·ríb·yan)
png |Heg |[ Ing ]
:
ang rehiyong sumasakop sa Dagat Caribbean, mga pulô dito, kasáma ang West Indies.
Caribbean Sea (ka·ríb·yan si)
png |Heg |[ Ing ]
:
Dágat Caribbean.
caries (ká·ris)
png |Med |[ Ing ]
:
pagkabulok at pagkadurog ng ngipin o butó.
carina (ka·ráy·na)
png |Bot |[ Ing ]
:
anumang bahagi o estruktura na may hugis kilya, gaya ng talulot ng bulaklak at panggitnang buto sa dibdib ng ibon.
Carlo Magno (kár·lo mág·no)
png
:
hari ng mga Frank (768–814 AD ) at si Carlos I bílang emperador ng Banal na Emperyong Romano, at pumigil sa pananalakay ng Muslim sa Europa : CHARLEMAGNE
Carmelite (kár·mi·láyt)
png |[ Ing ]
:
madre sa Kristiyanong orden ng Our Lady of Mount Carmel : KÁRMELÍTA
carnation (kar·néy·syon)
png |Bot |[ Ing ]
:
maliit na yerba (Dianthus caryophyllus ), mataba ang bughaw at lungting dahon, at iba-iba ang matitingkad na kulay ng bulaklak, katutubò sa Mediteraneo.
carotene (ká·ro·tín)
png |Kem |[ Ing ]
:
alinman sa tatlong isomerikong puláng hydrocarbon (C40H56) at nakukuha sa carrot.
carotenoid (ka·ro·té·noyd)
png |[ Ing ]
:
alinman sa mga pangkat ng dilaw o puláng pigment na magbibigay kulay sa halaman.
carotid (ka·ró·tid)
png |Ana |[ Ing ]
:
alinman sa dalawang malaking artery sa gilid ng ulo na naghahatid ng dugo sa leeg at mukha at sa panloob na artery na nagsusuplay ng dugo sa utak, mata, at iba pang panloob na bahagi : KARÓTIDÁ
carpal (kár·pal)
png |Ana |[ Ing ]
:
alinman sa walong maliliit na butó sa galang-galang.
car pe diem (kár pi dyím)
png |[ Lat ]
1:
paggawa ng kailangang gawin sa isang araw
2:
Lit
paksa ng tulang liriko na nagpapakíta ng mga kabataan at ng kanilang pagkahilig sa panandaliang kasiyahan.
carpogonium (kar·po·gú·ni·yúm)
png |Bot |[ Ing ]
:
sex organ ng babaeng puláng algae na may iisang selula.
carpology (kar·pó·lo·dyí)
png |Bot |[ Ing ]
:
pag-aaral sa mga prutas.
car pool (kar pul)
png |[ Ing ]
1:
kasunduan ng mga may-ari ng sasakyan na magsalitan ng gagamiting sasakyan mula at patúngo sa isang pook
2:
sinumang kasáma sa ganitong kasunduan.
carrot (ká·rot)
png |Bot |[ Ing ]
:
halamang-ugat (Daucus carota ) na may mahabàng lamán, kulay kahel, at nakakain nang hilaw : ASANÓRYA
carry (ké·ri)
pnd |[ Ing ]
:
dalhin o magdalá.
carry over (ké·ri ów·ver)
png |[ Ing ]
1:
pagpapalawig o pagpapaliban ng isang gawain o panahon para sa kasunod
2:
sa bookkeeping, paglilipat ng kantidad sa susunod na pahina
3:
sa akawnting, paggamit ng di nagalaw na kredit o lugi upang mabawasan sa tax
4:
sa karera, ang hindi paglabas ng pinakahulíng numero sa tayâng pick six.
cartridge (kár·trids)
png |[ Ing ]
2:
maliit na sisidlan ng pulbos, likido, o gas
3:
metal o plastik na lalagyan ng film
4:
sapád at siksik na kaha ng audio tape.
carve (karv)
pnd |[ Ing ]
1:
Sin
hiwain ang isang matigas na bagay upang lumikha ng isang makasining na disenyo
2:
humiwa ng nilutong karne.
carving (kárv·ing)
png |[ Ing ]
:
bagay na resulta ng paghiwa sa isang matigas na bagay túngo sa isang likhang pansining.