sign (sayn) 1: lumagda 2: a makipagtalastasan sa pamamagitan ng mga senyas at muwestra b makipagtalastasan sa pamamagitan ng sign language 3: isulat ang pangalan o inisyal sa isang dokumento upang ipahiwatig na awtorisado ito 4: lagyan ng tanda o marka
counter (káwn•ter) 1: a mahabàng mesa o katulad na estrukturang pinagdarausan ng mga transaksiyon ng isang tindahan, bangko, at iba pa b anumang katulad na estruktura na ginagamit sa pagsisilbi ng pagkain at iba pa sa isang bar o kapeteriya 2: tao o bagay na tagabílang
counter signature (káwn•ter sig• néy•tsur) : panibagong lagda bílang garantiya sa bisà ng naunang lagda
V sign (ví•sayn) 1: agtaas ng hinlalato at hintuturo upang gumawâ ng senyas ng V at nagpapahiwatig ng tagumpay 2: gayong senyas na ginagamit upang magpahayag ng pagsang-ayon
sign language (sayn láng•widz) : sistema ng komunikasyon sa pamamagitan ng biswal na pagsenyas at pagmumuwestra, karaniwang ginagamit ng mga bingi
scintillation counter (sín•ti•léy•syon káwn•ter) : kagamitan sa pagtuklas at pagtatalâ ng scintillation
sign of the times (sáyn of da tayms) : pahiwatig o palatandaan, karaniwang nagpapakíta ng magiging kalakaran