hí•pong pu•tî : uri ng hipon (Penaeus indicus) na may habàng 14 sm at bigat na 35 gm, kulay abuhin, at karaniwang nalalambat sa baybayin
da•gâng bú•kid : uri ng dagâ (Rattus Sp) na naninirahan sa bukid, kumakain ng palay, at nakakain ng tao
mo•rá•dong pu•tî : mababàng palumpong (Graptophyllum pictum), nag-iiba-iba ang kulay ng mga dahon na may mga putîng marka sa gitna at pulá ang kulay ng bulaklak
da•gâng bun•dók : uri ng dagâ (Rattus rabori) na may magaspang at matinik na balahibo, karaniwang naninirahan sa palayan
da•gâng kós•ta : uri ng dagâ (Rattus Sp) na maikli ang tainga at buntot, may kulay na putî, itim, o kape, karaniwang ginagamit sa mga eksperimentong pang-agham
ba•gá•wak na pu•tî : mataas na palumpong (Clerodendrum quadriloculare), kulay lila ang tangkay at may pumpon ng bulaklak sa dulo ng tangkay na kulay putî o mapusyaw na pink ang korola at 4 m ang taas.