• wi•kà
    png | Lgw
    1:
    lawas ng mga salitâ at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan
    2:
    sistema ng tunog na gumagamit ng arbitraryong senyas sa pinagkaisahang paraan at pakahulugan
    3:
    senyas at simbolo na isinasaalang-alang sa paraang abstrakto na kasalungat ng binibigkas na salitâ
    4:
    anumang set o sistema ng mga gayong simbolo na ginagamit sa parehong pamamaraan ng isang partikular na pangkat upang magkaintindihan
    5:
    pabigkas na paggamit ng naturang sistema o lawas ng mga salita.
  • Pi•tóng Wi•kà
    png | Lit Tro | [ pito+na wika ]
    :
    pagsasadula sa hulíng pitóng pangungusap na binigkas ni Hesus bago mamatay sa krus
  • i•náng wi•kà
    png | [ ina+ng wika ]
    :
    sariling wika; katutubòng wika