• lí•gaw

    png
    1:
    [ST] pamamasyal, batay dito ang kasabihang “lígaw na ba-bae” para sa pakawalâ at “anak sa lígaw” para sa bastardo
    2:
    [ST] paglakad nang patigil-tigil
    3:
    pangingibig ng lalaki sa babae
    4:
    panunuyò sa sinuman upang makuha ang pakay

  • li•gáw

    pnr
    1:
    malayàng gumagalà kung saan-saan
    2:
    a kung sa halaman, tumutubò nang hindi itinanim at inaalagaan b kung sa hayop, ilahas c hiwid, gaya ng ligáw na bála ng baril
    3:
    nawala sa tumpak na daan