dampi
dam·pî
png |[ Kap Tag ]
1:
dantay na marahan at magaang Cf HAPLÓS
2:
pagtamang marahan, gaya ng simoy ng hangin sa balát : DAPYÓ2
3:
[ST]
gamot na pantapal na medyo mainit, o kayâ’y dahon — pnd du·mam·pî,
i·dam·pî,
mag·dam·pî.
dam·píg
png |Mtr |[ Tag ]
:
ulap na tumatakip sa araw o buwan, itinuturing na pangitain ng masamâng panahon para sa mga mangingisda.
dam·píl
png |[ Ilk ]
:
laro ng mga batàng laláki, magkadikit ang mga paa hábang pilit na itinutumba ang isa’t isa.
dam·pím·ba·nál
png |Bot |[ ST dampi+na-banal ]
:
damo na itinuturing na halámang gamot at itinatapal sa bahagi ng katawang may nalinsad na butó.