• tú•bo

    png | [ Esp ]
    :
    payát at hungkag na piraso ng metal, glass, goma, at iba pa na ginagamit sa pagpapadaloy ng likido

  • tu•bó

    png | Bot
    :
    damo (Saccharum officinarum) na tumataas nang hang-gang 5 m, mahabà ngunit makitid ang dahon, lungtian ang muràng katawan at lila o kayumangging may bahid na pulá kung magulang na, ginagamit sa paggawâ ng asukal, alkohol, alak, sukà, at iba pa

  • tu•bò

    png | [ Bik Hil Seb Tag War ]
    1:
    proseso ng natural na pagdaragdag sa lakí o súkat ng anumang buháy na bagay dulot ng pagkain o katu-lad na elemento na nagpapalakí
    2:
    dagdag na halaga sa presyo ng isang bagay bílang pakinabang sa pagbebenta, o anumang katulad
    3:
    pook na pinagmulan ng isang tao o bagay
    4:
    panimulang anyo ng pagsupling ng haláman mula sa bunga o binhi nitó.