datu
dá·tu
png |Pol
1:
sa sinaunang lipunan, pinunò ng isang balangay na binubuo ng 50 o higit pang tagasunod : PAUBÁRI
2:
pangalawa sa sultan sa pagkapinunò : PAUBÁRI
dá·tum
png
:
sa Benguet, ritwal sa paglilibing na nagsasakripisyo ng baboy bago isagawâ ang pag-aayos ng kuweba.
da·tún
png |[ Kap ]
:
pananatili sa isang pook.
da·tú·ra
png |Bot
:
damo (Datura alba ) na magaspang ang sanga, putî, hugis embudo, at 15 sm ang habà ng bulaklak, at matinik at lungtian ang bunga : KAMKÁMAÚLAN,
KATSIBÓNG,
SIVA,
SÍYA2,
SUSÚPAN,
TÁLONGPÚNAY,
TALAMPÚNAY,
TÁLUMPÚNAY,
THORN APPLE