• des-
    pnl | [ Esp ]
    :
    pambuo ng pangngalan, pang-uri, at pandiwa at nagpapahayag ng sumusunod a kawalan ng katotohanan o kabaligtaran, hal des-areglado b katumbalikan o kawalan ng aksiyon, hal des-interesado c paghiwalay o pagbukod, hal des-embarkasyon d pagpapatalsik o pag-tanggal, hal despatsa
  • or•yen•tas•yón
    png | [ Esp orientación ]
    1:
    aksiyon o proseso ng pagkilála o pagpapakilála
    2:
    kakayahang ilugar ang sarili sa kaligiran, kaugnay ng panahon, pook, at kapuwa tao
    3:
    pagpapakilála bílang gabay sa pag-angkop sa bagong kaligiran, aktibidad, empleo, at iba pa