dila


di·là

png |[ Bik Hil Kap Mag Mrw Seb Tag Tau War ]
1:
Ana organ sa loob ng bibig na ginagamit sa paglasa, pagkain, at paglunok, at sa tao, pagsa-salita : LENGGUWÁ1, TONGUE
2:
partikular na wika : TONGUE
3:
paraan o kakayahan sa pagsasalita
4:
anumang bagay na kahawig ng dila sa hugis, pagkakalagay, o tungkulin, hal dila ng sapatos
5:
bagay na nagpapatunog sa ilang instrumentong pangmusika Cf CAÑA1

di·là

pnd |di·lá·an, du·mi·là, man·di·là |[ Bik Hil Kap Mag Mrw Seb Tag Tau War ]
1:
humimod o maghimod
2:
ilabas ang dila upang mang-inis, magyabang, at iba pang katulad na kilos.

di·lá·di·lá

png
1:
[ST] pandidilà o paggamit ng dilà
2:
[ST] mga senyas
3:
Bot [Ilk] dílambáka.

di·là·di·là

png |Bot
1:
pakông anuwáng
3:
[Hil Tag] ilahas na damo (Pseudoelephantopus spicatus ) na tuwid ang mga sanga at kumpol ang mga bulaklak : DÍLANG-ÁSO, TABÁ-TABAKÚHAN

di·lág

png
1:
[Hil Tag] gandang may ningning
2:
[Hil Tag] magandang babae : DIKÍT3 — pnr ma·ri·lág
3:
[ST] mga batik na ang putî sa talukab ng pagong.

di·lá·hu

png |[ Sub ]
:
blusang panlaláki.

di·lá·kit

pnd |di·la·kí·tan, i·di·lá·kit, ma·di·lá·kit |[ ST ]
:
madilaan ng apoy ang anumang malapit dito.

dí·lam

png |[ Tau ]

dí·lam·bá·ka

png |Bot |[ dilà+ng+báka ]
:
uri ng kaktus (Nopalea cochenillifera ), tumataas nang 2 m, sapad, pabilog, matingkad na lungti, at makislap ang mga tangkay, malaki ang bulaklak na kulay pink, katutubò sa Timog America at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español : DÁPAL1, DILÁ-DILÁ3, NOPÁL, OPUNTIA, SÍGANG-DÁGAT3, SÚMAG

di·lám·bong

png |[ Hil ]
1:
sagisag ng kataas-taasang pag-iisip at damdamin
2:
pagpapahayag sa pamamagi-tan ng kapuri-puring salita
3:
Lit tula ; mula sa “dila nga maambong ” o magandang wika.

di·lám·bu·ti·kî

png |Bot |[ dilà+ng+ butiki ]
:
ilahas na damo (Dantella repens ), biluhabâ ang dahon, at putî ang bulaklak.

di·lám·bu·wá·ya

png |Bot |[ Bik Tag dila+ng+buwaya ]

di·lá·mo

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng damong ilahas na nakapagpapakatí ng balát.

dí·lan

pnh pnr |[ ST ]
:
lahat var dílang1

di·lá-na

png |[ ST ]
:
iba-ibang bagay.

dí·lang

png
1:
[dilan+ng] varyant ng dílan
2:
[Ilk] sinag ng liwanag mula sa siwang.

di·làng-ang·hél

pnr |[ dilà+ng anghél ]
:
may katangiang magkatotoo.

di·làng-á·so

png |Bot |[ dilà+ng aso ]

di·làng-há·lo

png |Bot |[ Hil Seb dilà+ na-hálo ]

dí·lang-tá·o

png |[ ST dílan(g)-tao ]
:
lahat ng tao o bawat tao.

di·làng-u·sá

png |Bot |[ dilà+ng usa ]
:
yerba (Trichodesma zeylanicum ) na mabalahibo, tumataas nang 30-70 sm, at bughaw ang talulot : SIGÁNG DÁGAT2

dí·lap

pnr |[ ST ]
:
mabilis na gawin ang isang bagay.

di·la·pi·das·yón

png |[ Esp dilapidación ]
:
pagkasirà ng isang bagay dahil sa tapal o kapabayaan — pnr di·la·pi·dá·do.

di·la·rí·la

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng punongkahoy.

di·lát

pnd |di·la·tín, i·di·lát, ma·di·lát |[ ST ]
:
maalis o mawala sa ayos.

di·lát

png |Zoo

di·lát

pnr
1:
nakabukás ang mga talukap ng mata Cf GISÍNG
2:
hindi na hangal ; may alám sa katotohanan Cf GISÍNG1

dí·lat

png
1:
pagbukás ng talukap ng mata : BÁDI2, BÚKLAT, BÚLAT6, BULLÁRAN, DÚLAK, LUKÁAN, MÚKLAT, MULÁGAT, MURÍKAT, OLÍRAT — pnr di·lát
2:
[Ilk] paglalabas ng dila — pnd du·mí·lat, i·dí·lat, pan·di·lá·tan.

di·la·tór·yo

pnr |[ Esp dilatorio ]
1:
pang-abala ; pampatagal

di·láw

png |[ Bik Ilk Tag ]
1:
Bot halámang-ugat (Curcuma longa ) tulad ng luya, at pampalasa ng pagkain : ANGÉ, DULÁW, DÚWAW, KALÁWAG3, KULÁLAW, KÚNIB, KUNIL, LÚYANG DILÁW
2:

di·láw

pnr |[ Bik Ilk Tag ]
:
kulay na nása pagitan ng lungti at kulay kahel sa ispektrum, hal kulay ng hinog na mangga : AMARÍLYO, BIYÁNING, BÚLAW, DOYÁW, KÚNIG, YELLOW

di·lá·yun

png |Mus |[ Sub ]
:
ritmo ng gandingan.