diliwa-riw


di·li·wá·riw

png |Bot
1:
tuwid at makinis na palumpong (Acanthus ilicifolius ) may magkapares na tinik sa ibabâ ng tangkay, at may katas na ginagamit sa paggawâ ng sabon : DAGWARÌ, DILUWARÍYU, DULAWÁRI, GALÚRA, KASÚMBA, LÁGIWLÁGIW, LAGÍWRIW, TÁKISLÁKIS, TÍNDOY var dilwáriw
2:
yerba (Argemone mexicana ) na tuwid at mataba, lungtiang putî ang dahon, at dilaw ang bulaklak kung tag-araw : BARWÁS, DALIWÁRIW, KÁGANG-KÁGANG, KASÚBANG-ÁSO