disk


disk

png |[ Ing disc ]
1:
bagay na manipis, sapád, at bilóg ; rabaw na bilúgan at sapád o anyong sapád na rabaw ; o ang marka ng hugis na ito
2:
Bot siksik na kumpol ng hugis túbong bulaklak sa gitna ng composite na bulaklak : DISC
3:
Ana hanay ng kartilago sa pagitan ng vertebrate : DISC
5:
Com aparatong imbakan na may disk na napaiikot at nababalutan ng magnet ; disk na makinis at walang magnet na may kakayahang mag-imbak ng maraming datos at nababása ng laser : DISC, LASERDISC
6:
aparatong may panturò o umiikot na disk na nagsasabi ng oras ng pagdatíng o pag-alis, inilalagay sa mga nakaparadang sasakyan : DISC

diskette (dís·ket)

png |Com |[ Ing ]
:
floppy disk.

dís·ki·tá

pnd |mag·dís·ki·tá, ma·pag· dís·ki·tá·han |[ Esp desquitar ]
:
magbunton ng galit sa isang tao dahil sa kasalanan ng iba, mapagbuntunan ng galit dahil sa kaalaman ng iba.

disk operating system (disk o·pe·réy·ting sís·tem)

png |Com |[ Ing ]
:
programa upang makakuha ng impormasyon sa disk : DOS

dis·kre·pán·si·yá

png |[ Esp discrepancia ]
:
kabiguang tumugon ; hindi pagkakatugma : DISCREPANCY

dis·kre·pán·si·yá

png |[ Esp discrepancia ]

dis·kré·to

pnr |[ Esp discreto ]
:
maingat sa salita at kilos, lalo na upang hindi makasakít ng loob o makasirà ng tiwala : DISCREET

dis·kri·mi·nas·yón

png |[ Esp discriminacion ]
1:
pakikitúngo nang hindi maganda batay sa hindi matuwid na palagay ukol sa lahi, kulay, edad, at kasarian ng isang tao : DISCRIMINATION Cf RASÍSMO2
2:
panlasang pihikan o mahusay hinggil sa mga makasi-ning na bagay : DISCRIMINATION
3:
kagalingan sa pagkilatis ng mga pagkakaiba : DISCRIMINATION
4:
pagtatangi na nása isip o isinasagawâ : DISCRIMINATION

dis·kúl·pa

png |[ Esp disculpa ]

dis·kúr·so

png |[ Esp discurso ]
1:
pag-uusap at palítan ng kuro : DISCOURSE
3:
pormal na talakay sa isang paksa : DISCOURSE

dis·kus·yón

png |[ Esp discusion ]
:
talakay o pagtalakay.