do
do
png |Mus |[ Ing ]
:
ang una at ikawalong nota ng eskalang mayor.
dó·ble
pnr |[ Esp ]
2:
dó·ble·ká·ra
pnr |[ Esp doble cara ]
1:
kumakampi o pumapanig sa sinumang kaharap o magbibigay ng pakinabang : BALIGTÁRIN,
BALIMBÍNG Cf TAKSÍL
2:
do·blón
png |Ekn |[ Esp ]
:
matandang baryang Español.
dó·bol·yú
png
:
tawag sa titik W1
dock (dak)
png |[ Ing ]
1:
Ntk
daungan ng sasakyang-dagat
2:
nasasarhang bahagi ng hukuman para sa akusado
3:
Bot
magaspang na damo (genus Rumex )
4:
Zoo
may butóng bahagi ng buntot ng hayop.
docket (dá·ket)
png |[ Ing ]
1:
Bat
talàan ng mga kasong lilitisin ng nása hukuman
2:
Bat
talàan ng mga kapasiyahan ng hukuman
3:
4:
listahan ng nilalamán ng isang pakete o dokumento.
dockyard (dák·yard)
png |Ntk |[ Ing ]
:
espasyo upang daungan at nakalaan para sa paggawâ at pag-aayos ng barko.
Doctor of Laws (dók·tor of los)
png |[ Ing ]
:
tao na nagkamit ng diploma sa pinakamataas na antas sa abogasya : LL D
Doctor of Philosophy
png |[ Ing ]
:
pinakamataas na titulo bílang dalubhasa sa pilosopiya : DOKTORÁDO SA PILOSOPÍYA,
PHD
Doctrina Christiana (dok·trí·na kris·ti·yá·na)
png |Lit |[ Esp ]
:
kauna-unahang aklat na inilimbag sa Filipinas noong 1593.
doctrinaire (dók·tri·néyr)
pnr |Pol |[ Ing ]
:
gumagamit ng anumang teorya o doktrina sa lahat ng pagkakataon nang hindi isinasaalang-alang ang mga praktikal na kalagayan.
document (dók·yu·mént)
pnd |[ Ing ]
1:
patunayan o magbigay ng patunay
2:
italâ sa dokumento.
document image processing (dók·yu·mént í·meyds prá·se·sing)
png |Com |[ Ing ]
:
pinagsámang circuit na may maliit na plastik o tilad ng seramiko na may dalawang magkahilerang hanay ng pin : DIP
dodeca- (dó·de·ká)
pnl |[ Gri ]
:
unlapi sa labíndalawá.
dodecahedron (do·de·ká·hed·rón)
png |Mat |[ Ing ]
:
pigurang solido na may 12 mukha.
do·de·ka·sí·la·bó
png |Lit |[ Esp dodecasilabó ]
:
salita o taludtod na may labindalawang pantig : DODECASYLLABLE
dó·do
png |[ Ing ]
1:
Zoo
ibon (Raphus cucullatus ) na hindi nakalilipad
2:
tao na makaluma, estupido, at hindi aktibo.
dó·dum
png |[ Tir ]
:
pandong para sa mga babae.
dó·fil
png |Ark |[ Tbo ]
:
bahagi ng bahay na tinutulugan.
do·gà
pnd |mag·dó·ga, pag·do·gá·han |[ ST ]
1:
arukin ang lalim
2:
hikayatin o akitin ang sinuman sa pamamagitan ng kasinungalingan.
dó·gal
png |[ ST ]
:
anumang madugo.
dó·gay
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng isda.
dogfight (dóg·fayt)
png |[ Ing ]
1:
Mil
málapítang labanán ng mga arma-dong sasakyang panghimpapawid
2:
magulong away o labanán, gaya ng away ng mga áso.
doggerel (dá·ge·rél)
png |Lit |[ Ing ]
:
tulang walang kabuluhan ; tugma-tugmaan.
Do·gí·dog
png |Lit |[ Tin ]
:
tamad at hikahos na laláking yumaman matapos maangkin ang pusang naghunos tandang.
dog·kál
pnd |dog·ka·lán, dog·ka·lín, du·mog·kál, i·dog·kál, mag·dog·kál |[ ST ]
:
maghukay ng isang bagay sa lupa Cf DUKÁL1
dóg·ma
png |[ Esp Ing ]
1:
doktrina o sistema ng mga doktrinang pormal na iminumungkahi o itinakda ng isang simbahan o lupong relihiyoso at itinuturing na awtoritatibo
2:
prinsipyo, paniniwala, o doktrina, karaniwang pormal na nakasaad at ipinalalagay na awtoritatibo.
dog·má·ti·kó
pnr |[ Esp dogmatico ]
:
nagpapahayag ng dogmatismo.
dog·ma·tís·mo
png |[ Esp ]
:
awtoritatibo at kadalasang aroganteng pamamaraan ng paghahayag ng opinyon o paniniwala.
dog·ma·tís·ta
png |[ Esp ]
1:
tao na nagpapahayag nang tiyak sa kaniyang sariling kuro-kuro
2:
tao na bumabalangkas ng dogma.
dogwood (dóg·wud)
png |Bot |[ Ing ]
:
palumpong (genus Cornus ) na may ma-tingkad na puláng sanga at lungtiang putî na bulaklak.
dó·hit
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng kuliglig na sumisitsit.
do·hò
png |Zoo |[ Ifu ]
:
uri ng igat (Misgurnus anguillicaudatus ) na karaniwang lumalakí nang 9-13 sm.
do·hól
png |[ Ifu ]
:
ang una sa tatlong kayamanang ibinibigay ng lalaki sa magulang ng asawang babae matapos ang kasal.
do·kó·son
png |Zoo
:
isdang-tabáng (Pelates quadrilineatus ) na biluhaba ang katawan, may apat na guhit, at matinik ang likod var dukúson
dó·kot·dó·kot
png |Bot
:
yerba na nabubúhay nang isang taon, 0.5-2 m ang taas, matinik at may dahon na tulis ang magkabilâng dulo, lungti ang bulaklak, at kulay kape ang butó.
dok·tór
png |[ Esp doctor ]
2:
tao na may antas doktorado sa akademya : DOCTOR DR,
MÁNANÁMBAL
3:
Kol
tao na umaayos ng anumang sirà.
dok·to·rá·do
png |[ Esp doctorado ]
:
pinakamataas na antas pang-akademya sa anumang kaguruan : DOCTORATE
Dok·to·rá·do sa Pi·lo·so·pí·ya
png |[ Esp doctorado+Tag sa+Esp filosofia ]
:
Doctor of Philosophy.
dok·to·rál
png |[ Esp doctoral ]
:
hinggil sa doktorado.
dok·tor·síl·yo
png |[ Esp doctorcillo ]
:
huwad na doktor.
do·ku·men·tár·yo
png |[ Esp documentario ]
:
pelikula o programa sa radyo o telebisyon, na nag-uulat ng matapat at historikong yugto tungkol sa mga tao, pangyayari, o pook : DOCUMENTARY
do·ku·men·tas·yón
png |[ Esp documentacion ]
1:
pangangalap, pag-uuri, at pamamahagi ng mga impormasyon : DOCUMENTATION
2:
bagay na tinipon at ipinamahagi : DOCUMENTATION
3:
koleksiyon ng mga dokumento : DOCUMENTATION
dó·lap
pnd |do·lá·pan, do·lá·pin, i·dó·lap, ma·dó·lap |[ ST ]
1:
mátumbá nang padapa
2:
tugisin at hanapin ang nakawala.
do·la·yá·nin
png |Lit Mus |[ ST ]
:
awiting-bayan sa pagsagwan.
dolce (dól·tsey)
pnr pnb |Mus |[ Ita ]
:
mahina at malamyos.
dolce vita (dól·tsey ví·ta)
png |[ Ita ]
:
búhay na marangya at kalugod-lugod.
dolman (dál·man)
png |[ Ing ]
1:
sa Turkey, mahabàng báta
2:
jaket na maluwang ang manggas.
do·lóng
png |Zoo
:
isdang-tabáng (Mirogobius lacustris ) na pahabâ ang katawan at matatagpuan lámang sa Laguna de Bay.
do·lo·ngán
png |Zoo
:
kawan ng dolóng.
do·lón·tas
png |Bot
:
palumpong (Chrysanthemum indicum ) na makatas at may lason ang dagta.
Do·ló·res Ma·ná·pat
png |Lit
:
sagisag panulat ni Marcelo H. Del Pilar.
Do·lo·ró·sa
png |[ Esp ]
:
Mádre Dolorósa.
dol·yár
png |Ekn |[ Ing dollar ]
:
pa-Español na bása at bigkas sa Ingles na dollar.
DOM (dí·o·ém)
daglat |[ Ing ]
:
dirty old man.
do·ma·dór
png |[ Esp ]
:
tao na tagapag-amò at tagapagturò ng hayop.
dó·man
png |Bot |[ ST ]
:
palay na kulay lungtian ang bigas.
dó·mat
png |[ ST ]
:
maraming bagay na hindi kailangan at binibílang.