elektro-
e·lék·tro-
pnl |Ele |[ Ing ]
:
salita na ikinakabit sa isang salitâng kaugnay o ukol sa koryente : ELECTRO-
e·lek·tró·di·ná·mi·ká
png |Ele Pis |[ Esp electrodinamica ]
:
sangay ng mekanika na may kaugnayan sa koryenteng ginagamit sa pagpapagalaw ng mga puwersa : ELECTRODYNAMICS
e·lék·tro·dó
png |Ele |[ Esp electrodo ]
:
conductor ng koryente sa elektrolito, gas, vacuum, at katulad : ELECTRODE
e·lék·tro·kí·mi·ká
png |Ele |[ Esp electroquimica ]
:
sangay ng kemistri na may kinaláman sa ugnayan ng elektrisidad at kimika : ELECTROCHEMISTRY
e·lék·tro·kus·yón
png |Ele |[ Esp electrocución ]
1:
pagbitay sa pamamagitan ng silya elektrika : ELECTROCUTION
2:
pagpatay o pagkamatay sa pamamagitan ng pagkoryente : ELECTROCUTION
e·lek·tró·li·sís
png |[ Esp electrólisis ]
1:
2:
Med
pagtanggal sa tumor, ugat ng balahibo, buhok, at iba pa sa pamamagitan ng koryente : ELECTROLYSIS
e·lek·tró·li·tó
png |Kem |[ Esp electrolito ]
:
likidong nagtataglay ng mga ion at napaghihiwalay ng elektrolisis : ELECTROLYTE
e·lek·tro·mag·né·ti·kó
pnr |Pis |[ Esp electromagnetico ]
1:
hinggil sa elektromagneto : ELECTROMAGNETIC
2:
hinggil sa elektromagnetismo : ELECTROMAGNETIC
e·lek·tró·mag·ne·tís·mo
png |[ Esp electromagnetismo ]
1:
magnetikong puwersa na nalilikha ng elektrisidad : ELECTROMAGNETISM
2:
pag-aaral nitó : ELECTROMAGNETISM
e·lek·tró·mag·né·to
png |Pis |[ Esp electromagneto ]
:
malambot na piraso ng metal na nagagawâng magnet sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng koryente sa kawad na nakapaligid dito : ELECTROMAGNET
e·lék·tron
png |Pis |[ Esp electron ]
e·lek·tró·ni·ká
png |[ Esp electrónicá ]
:
sangay ng pisika at teknolohiya na may kinaláman sa galaw ng mga elektron sa vacuum, gas, semiconductor, at iba pa : ELECTRONICS
e·lék·tros·kóp·yo
png |[ Esp electroscopio ]
:
kagamitan o instrumentong pansúkat ng elektrisidad : ELECTROSCOPE
e·lék·tros·tá·ti·ká
png |[ Esp electrostáticá ]
:
pag-aaral sa hindi kumikilos na elektrisidad : ELECTROSTATICS
e·lek·tró·te·ra·pí·ya
png |Med |[ Esp electroterapia ]
:
paggamot sa sakít sa pamamagitan ng elektrisidad : ELECTROTHERAPY