en
en
png
1:
tawag sa titik N
2:
sa paglilimbag, ang súkat ng titik ng kalahati ng em o ang maikling gitling.
en-
pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pangngalan at pang-uri upang maging pandiwang palipat, hal enable, enact.
-en
pnl |[ Ing ]
1:
pambuo ng pang-uri upang maging pandiwang palipat, hal fasten, harden
2:
pambuo ng pangngalan upang maging pang-uri, hal ashen, golden
3:
pambuo ng pandiwa upang maging panahunang pangnagdaan, hal taken, proven
4:
pambuo ng pangngalang nása anyong maramihan, hal brethren, children.
enact (e·nák)
pnd |[ Ing ]
1:
pagtibayin bílang batas
2:
isadulâ ; itanghal.
enactment (e·nák·ment)
png |Bat |[ Ing ]
:
pagpapatibay ng batas.
e·nág·was
png |[ Esp enaguas ]
:
damit panloob ng babae mula sa baywang hanggang tuhod o lagpas pa var nagwas Cf KAMISÓN,
PETTICOAT
e·nág·wil·yás
png |[ Esp enagwillas ]
:
napakaikling palda var nagwilas Cf MINISKIRT
é·na·he·nam·yén·to
png |Bat |[ Esp enajenamiénto ]
:
paglilipat ng ari-arian ng isang tao sa pangalan ng iba.
e·ná·mel
png |[ Ing ]
1:
malakristal na malabòng pinta na nagsisilbing makinis at matigas na bálot : ESMÁLTE
2:
e·ná·mo·rá·da
pnr |[ Esp ]
:
halíng sa pag-ibig.
en banc (an·bánk)
pnb |Bat |[ Fre ]
:
nasa buong hukuman o may ganap na kapangyarihan ng hukuman.
en bloc (en·blók)
pnb |[ Fre ]
:
nakabloke ; magkakasáma.
encephalograph (en·sé·fa·lo·gráf)
png |[ Ing ]
:
aparatong nagtatalâ ng elektrikal na aktibidad o pagkilos ng utak.
encephalomyelitis (en·sé·fa·lo·má· ye·láy·tis)
png |Med |[ Ing ]
:
pamamagâ ng utak at gulugod sanhi ng impeksiyong viral.
encephalopathy (en·sé·fa·ló·pa·tí)
png |Med |[ Ing ]
:
sakít sa utak.
enchilada (én·tsi·lá·da)
png |[ Esp ]
:
tortilya na may salsang sili, karaniwang may palamáng karne.
en clair (an kléyr)
pnr |[ Fre ]
:
nakasulat sa karaniwang wika.
enclave (én·kleyv)
png |[ Ing ]
1:
bahagi ng teritoryo ng isang estadong napalilibutan ng teritoryo ng iba
2:
pangkat ng mga tao na naiiba ang kultura, pag-iisip, kaalamán, kostumbre, at panlipunang estruktura sa iba pang pangkat na nakapaligid sa kanila.
enclosure (en·kló·syur)
png |[ Ing ]
1:
pook na nakukulóng ng bakod o harang
2:
3:
bagay na kalakip ng liham.
encore (áng·kor)
png |[ Fre Ing ]
1:
masigabo at patúloy na palakpakan ng manonood bílang kahilingang bumalik sa tanghalan ang nagsiganap
2:
pagbalik sa tanghalan sa kahilingan ng mga manonood
3:
bílang na ginanap sa muling pagbalik sa tanghalan.
Encore! (áng·kor)
pdd |[ Fre Ing ]
:
Isa pa! Babalik!
-ency (én·si)
pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pangngalan na nagpapahiwatig ng kalidad o katayuan, hal presidency, efficiency.
endangered species (en·déyn·dzerd is·pí·sis)
png |Bot Zoo |[ Ing ]
:
espesye o sub-espesye na nanganganib maubos.
endemic species (en·dé·mik is·pí· sis)
png |Bot Zoo |[ Ing ]
:
espesye o sub-espesye na matatagpuan lámang sa isang tiyak na pook.
en·dé·mi·kó
pnr |[ Esp endémico ]
endnote (énd·nowt)
png |[ Ing ]
:
talâ sa dulo ng aklat o sa katapusan ng isang bahagi ng aklat.
én·do-
pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pangngalan na nagpapahiwatig na panloob, hal endocarp.
endocrine gland (én·do·krín gland)
png |Ana |[ Ing ]
:
alinman sa mga glandula, gaya ng thyroid, adrenal, at pituitary gland, na pinadadaloy nang tuwiran sa dugo ang nalilikhang katas.
endocrinology (én·do·kri·nó·lo·dyí)
png |Med |[ Ing ]
:
pag-aaral ng estruktura at pisyolohiya ng mga endocrine gland.
endogamy (en·dó·ga·mí)
png |[ Ing ]
1:
pag-aasawa ng magkatribu
2:
Bot
polinasyon mula sa iisang haláman.
én·do·plás·ma
png |Bio |[ Esp ]
:
butíl-butíl na panloob na sapin ng sitoplasma ng unicellular na organismo tulad ng amíba : ENDOPLASM
endorse (en·dórs)
pnd |[ Ing ]
:
mag-endóso o iendoso.
én·do·sa·dór
png |[ Esp ]
:
tao na nag-endoso.
endoscope (én·dos·kówp)
png |Med |[ Ing ]
:
aparatong pansuri sa loob ng katawan.
en·dós·mo·sís
png |Kem |[ Esp ]
1:
osmosis mula sa labas papaloob
2:
daloy ng substance mula sa may pinakamababàng konsentrasyon patúngo sa may mataas na konsentrasyon.
en·do·só
png |pag-en·do·só |[ Esp ]
1:
pagbibigay ng pahintulot o pagpapahayag ng kumpirmasyon : ENDORSE
2:
paglagda sa likod ng bill o tseke Cf ENDORSE
3:
pagsulat ng paliwanag sa likod ng dokumento.
endowment (en·dáw·ment)
png |[ Ing ]
1:
pagbibigay ng ikabubúhay sa isang tao o institusyon
2:
Bat
ari-arian na ibinibigay o ipinamamána ng tao o institusyon
3:
likás na talino, kakayahan o katangian
4:
sa seguro, uri ng policy2 na gumagarantiya ng bayad sa isang nakasegurong tao sa isang takdang petsa o sa kaniyang ari-arian kapag namatay siya bago ang naturang petsa.
endpaper (end·péy·per)
png |[ Ing ]
:
blangkong papel na nakadikit sa panloob na pabalát ng aklat.
én·dyi
png
:
tawag sa titik Ng.
energizer (e·ner·dyáy·zer)
png |[ Ing ]
:
anumang bagay na nagbibigay ng lakas at sigla.
e·ner·hí·ya
png |[ Esp energía ]
2:
elektrisidad, hangin, init, at katulad : ENERGY
3:
4:
paraan ng pagdudulot ng gawâ mula sa mga metodong pisikal o kemikal : ENERGY
enfant terrible (an·fán te·rí·ble)
png |[ Fre ]
1:
batà na nagdudulot ng kahihiyan
2:
tao na sikát sa nakagigitlang pahayag at kakatwang ugali
3:
karaniwang kabataan at matagum-pay na tao ngunit pangahas at naiiba Cf AVANT GARDE
en fete (an féyt)
pnr |[ Fre ]
1:
nagdaraos o handa nang magdaos ng pagdiriwang
2:
handang magbakasyon ; nagbabakasyon.
engagé (an·ga·zyéy)
pnr |[ Fre ]
:
may moral na tungkulin bílang manunulat o katulad.
engagement (en·géyds·ment)
png |[ Ing ]
2:
pagtatagpo na pinangakuang dadaluhan
3:
pangako o kasunduang magpakasal
4:
sagupaan ng magkalábang puwersa Cf KOMPROMÍSO
eng·gás·te
png |[ Esp engaste ]
:
pinagkakabitan o pinaglalagyan ng bató o perlas sa isang hiyas.
eng·ká·de·nam·yén·to
png |[ Esp encadenamiénto ]
:
pagiging ugnay-ugnay ; pagiging kawing-kawing var kadinamyento
eng·ká·he
png |[ Esp encaje ]
:
gayak sa kasuotan ng babae gaya ng puntas at tíras.
eng·ka·lá·da
png |[ Esp encalada ]
:
maputî at matamis na bagay na nililikha mula sa pagbabatí ng itlog at inihalong arnibal o repinado.
éng·kan·tá·da
png |Mit |[ Esp encantada ]
eng·kán·ta·dór
png |[ Esp encantadór ]
1:
tao na may angking engkanto Cf MANGGAGÁWAY,
MANGKUKÚLAM
2:
babae na kabigha-bighani var ingkantador
eng·kán·tam·yén·to
png |[ Esp encantamiénto ]
1:
pagiging nása ilalim ng gayuma
2:
pagiging nása ilalim ng engkanto.