• epinephrine (ep•í•nef•rín)
    png
    1:
    hormone na inilalabas ng adrenal gland kapag may estimulasyon mula sa nervous system bílang tugon sa istres, gaya ng gálit o tákot, at nakapagpapabilis ng tibok ng puso, nakapagpapataas ng presyon ng dugo, cardiac output, at metabolismo ng carbohydrate
    2:
    komersiyal na anyo ng substance na ito, sintetiko o kinuha mula sa adrenal glands ng mga tupa at báka; ginagamit bílang estimulante para sa puso, o pampasikip ng mga ugat, o upang pakalmahin ang bronchi kapag may hika