ermita


er·mí·ta

png |[ Esp hermita ]
1:
tirahan ng ermitanyo : HERMITAGE
2:
alinmang tirahang hiwalay o malayò sa karamihan ; bahay na nakabukod sa karamihan : HERMITAGE

er·mi·tán·yo

png |[ Esp hermitaño ]
1:
tao na lumayô at tumirá sa isang mapanglaw na pook upang mamuhay nang tahimik at relihiyoso : ANAKORÉTA, EREMITE, HÉRMIT
2:
sinumang namumuhay nang hiwalay o malayò sa iba : ANAKORÉTA, EREMITE, HÉRMIT