finger painting (fíng•ger péyn•ting) 1: pagpipinta sa pamamagitan ng daliri o palad 2: pinturang gawâ sa ganitong paraan
finger food (fíng•ger fud) : pagkain na hindi ginagamitan ng kutsara at tenedor; pagkain na maaaring kamayin
International Phonetic Alphabet (ín•ter•ná•syo•nál fo•né•tik ál•fa•bét) : set ng mga simbolong ponetiko na inilaan sa internasyonal na gámit, binuo noong ika-19 siglo upang magkaroon ng eksakto at nauunawaang tumbásan sa tunog at simbolo sa isang wika