• French (frentz)
    png | [ Ing ]
    1:
    mamamayan at kultura ng France
    2:
    wika ng France, ginagamit din sa Belgium, Switzerland, Canada, at iba pang pook
  • french toast (frentz towst)
    png | [ Ing ]
    :
    tinapay na nilagyan ng mantekilya ang isang panig at tinosta ang kabila
  • french bread (frentz bred)
    png | [ Ing ]
    :
    mahabà at malutóng na putîng tinapay
  • french wíndow (frentz wín•dow)
    png | Ark | [ Ing ]
    :
    pares ng bintana na tíla pinto, may bisagra sa patayông gilid ng hamba, at bumubukás sa gitna
  • french kiss (frentz kis)
    png | [ Ing ]
    :
    halik na ipinapasok ang dila sa bibig ng kapareha
  • french fries (frentz frays)
    png | [ Ing ]
    :
    piraso ng patatas na ipiniprito nang lubog sa mantika
  • frénch horn (frentz horn)
    png | Mus | [ Ing ]
    :
    instrumentong hinihipan, yarì sa brass, at paikot ang mahabàng katawan na maluwang ang isang dulo
  • french leave (frentz liv)
    png | [ Ing ]
    :
    pagliban o pag-alis nang walang paalam