gang 1: pangkat ng mga tao na nagsáma-sáma para sa masamâ o ilegal na gawain 2: pangkat ng mga manggagawà 3: barkáda3
G, g 1: ikapitóng titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na dyi 2: ikapitó sa isang serye o pangkat 3: ikalimang nota o tono sa eskalang diyatoniko ng C major o ikapitó sa kaugnay na eskalang A minor 4: pasulat o palimbag na representasyon ng G o g 5: tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik G o g