gaga


ga·gá

png
1:
bagay na ipinapasok sa bibig upang pigilin ang pagsasalita Cf BUSÁL
2:
[ST] pang-aagaw o pangangamkam ng ari ng iba
3:
[ST] pandadahás1 — pnd ga·ga·hín, ma·ga·gá, máng·ga·gá
4:
[ST] pagsasamantala sa isang babae
5:
sa sinaunang lipunang Bisaya, paghadlang sa pangangalakal o pagdaong ng mangangalakal hábang hindi pa nagbabayad ng butaw sa pantalan.

ga·gà

png
1:
Bot [ST] isang uri ng matinik na halaman2
2:
[Kap] iyak ng isang batà.

gá·ga

pnr
1:
[Kap] utál
2:
[Esp] Kol tunggák, gá·go kung laláki.

gá·ga-

pnl
:
nangangahulugang kasinliit, hal gagalangaw.

ga·ga·bú·tan

png |Bot
:
damo (Eleusine indica ) na karaniwang tumutubò sa mamasâ-masâng pook, at may 60-80 sm ang taas.

ga·gád

png |Lit Tro |[ Hil Kap ST Tag War ]
:
panggágagád var gagár — pnd ga·ga·rín, gu·ma·gád, mang·ga·gád.

ga·gád

pnd |i·ga·gád, mang·ga·gád |[ Pan ]
:
magpabayà o hindi tapusin ang gawain.

ga·ga·là

pnr |[ Kap ]

gá·ga·lén

png |[ Pan ]

gá·ga·ló

png |[ Kap ]

ga·gá·ma-gá·ma

pnr |[ ST ]
:
minadalî ang paggawâ.

ga·gam·bá

png |Zoo
:
alinman sa mga kulisap (order Araneae ) na karani-wang may kakayahang magsapot at may walong galamay : ÁLALAWÀ1, ANLALAWÀ1, ARÁNYA2, BABÁGWA, BÁKAW3, DAMÁNG, GANGGÁNG1, GENGGÉNG, G-GANG, HÁWA5, LALÁWA, LAWÂ-LAWÂ, LÁWWA-LÁWWA, SPIDER, TAMBAYÁWAN

ga·ga·mí

pnd |ga·ga·mi·hín, gu·ma·ga·mí |[ ST ]
:
sundan ang nakaugalian.

ga·gá·ong

png |Zoo
:
isdang-alat o tabáng (Therapon jarbua ) na guhitán ang katawan : BALAÚLING, BIGÁONG, BIGAÚNG SUÓNG, BUGÁONG, LANGBÚ, PÁSING1, PIGÓK, SÚONG

ga·gá·ot

png
:
maliliit na bagay o ari-arian, karaniwang mababà ang halaga Cf ABÚBOT

ga·gáp

pnr
1:
alam na alam ; malalim ang kaalaman
2:
mahigpit na pinisil ang palad.

gá·gap

png
1:
pagpisil sa palad
2:
paghahanap sa isang nawaglit na bagay
3:
pagsisikap na magunita ang isang bagay
4:
pagsisikap na matapos agad ang isang gawain — pnd ga·gá·pin, gu·má·gap, i·gá·gap.

ga·gá·pang

png |Zoo

ga·gár

png |[ ST ]
:
varyant ng gagád.

ga·ga·rá

png |[ Bik ]

ga·gá·ra

png |[ Ilk ]

ga·ga·ríng

png |Ntk |[ ST ]
:
mga uka na pinaglalagyan ng sagwan.

ga·ga·ti·rís

pnr |[ Tag ]
:
napakaliit na maaaring tirisin ng kuko.