gól•den su•sô : uri ng malaking kuhól na ginintuan at pink ang kabibe at pinalaganap para sa mabilisang produksiyon ng pagkain sa panahon ng rehimeng Marcos.
sú•so 1: harapán ng dibdib mulang leeg hanggang abdomen 2: gland na naglalabas ng gatas 3: pagsupsop ng sanggol ng gatas 4: paglikha ng níngas
su•sô 1: alinman sa mga mollusk (class Gastro-poda) na mabagal gumalaw at may talukab na iba’t iba ang hugis 2: dahon ng saging kapag umuusbong pa lamang at hindi pa bumubukadkad
golden shower (gól•den syá•wer) : malaki-laking punongkahoy (Cassia fistula) na 10 m ang taas, at may mga bulaklak na matingkad na dilaw at nakakabit sa mahabà at tíla pendulong tangkay
golden bamboo (gól•den bám•bu) : kauri ng kawayang ki-líng (Bambusa vulgaris) na kulay di-law ang mga biyas at mga sanga at karaniwang pinatutubò bílang halá-mang ornamental