• gú•hit
    png
    1:
    sulat ng lapis at iba pang panulat na naiwan sa rabaw ng pinagdaanan
    2:
    bakás ng kayod ng hinilang kasangkapan at iba pa
    3:
    kulubot sa balát
    4:
    larawang nilikha ng kamay
    5:
    hanggahan ng dalawang magkanugnog na pook
  • pá•lad
    png
    1:
    [Bik Hil Iba Ilk Kap Mag Mrw Pan Seb Tag War] bahagi ng panloob na rabaw ng kamay mula sa galáng-galangán hanggang sa punò ng mga daliri
    2:
    [Bik Hil Kap Seb Tag War] ang búhay na dinaranas ng sinuman
    3:
    bahagi ng araro na hugis palad at may mga bútas na suutan ng mga tornilyo
    4:
    [Mrw] talampákan1
    5:
    [Bik Tag] dapâ2.
  • Mariang Palad (mar•yáng pá•lad)
    png | Kol | [ Maria+na Pálad ]
    :
    salsál1 o pagsasalsal
  • ma•ka•pál ang pá•lad
    pnr | [ ma+kapal ang palad ]
    :
    sanay sa gawaing pisi-kal o kayâ dukhâ