hep!


Hep!

pdd
1:
pabulalas na sagot sa isang tumatawag : HÔ!, HOY!, PO!
2:
salitâng sinasambit bílang babalâ sa pagkakamalî o panganib.

hé·pa

png |Kol Med |[ Ing hepatitis ]
:
pinaikling hepatitis.

hé·pa·rin

png |em |BioK |[ Ing ]
:
polysaccharide na may sulphur na matatagpuan sa iba’t ibang organ at tisyu na pumipigil sa pamumuo ng dugo.

hepatitis (he·pa·táy·tis)

png |Med |[ Ing ]
:
pamamagâ ng atay gaya ng Hepatitis A, na sanhi ng virus, nakukuha sa pagkain, at nagdudulot ng lagnat at jaundice ; Hepatitis B, malubhang hepatitis na sanhi ng virus, nakukuha sa impektadong dugo, at nagdudulot ng lagnat, debilidad, at jaundice Cf HÉPA

he·pa·tú·ra

png |[ Esp jefatura ]
:
opisina ng hepe.

hé·pe

png |[ Esp jefe ]
1:
punò ng pulisya Cf TSIP
2:
pinunò o kinikilálang pinunò ng anumang pangkat : BOSS

Hephaestus (hi·fés·tus)

png |Mit |[ Gri ]
:
sa mga sinaunang Greek, diyos ng apoy at pagpapanday : VULCAN

hép·ta-

pnl |[ Gri ]
:
pambuo ng pangngalan at nangangahulugang pitó.

hép·ta·gón

png |Mat |[ Ing ]
:
hugis na pitó ang gilid at anggulo.

heptameter (hep·tá·mi·tér)

png |Lit |[ Ing ]
:
sa panulaang Ingles, linya o berso na may sukat na pitóng feet.

heptathlon (hép·tat·lón)

png |Isp |[ Ing ]
:
paligsahan na may pitóng yugto at karaniwang pambabae.