hing-


hing-

pnl
:
tumutukoy sa pag-aalis o paglilinis, pagdurusa o pagdanas, at pag-uulit sa isinasaad ng salitâng-ugat, hal hinguko (hing + kuko), hingalay (hing + kalay), hingalo (hing + kalo).

hi·ngá

png
1:
Bio pag·hi·ngá paghigop ng hangin o oxygen papunta sa bagà at pagbubuga nitó : ÁSPIRASYÓN1, HIMANMÁN2, PRÁNA3, RESPIRASYÓN1
2:
[ST] pa·hi·ngá pagtigil sa trabaho o anumang nagpapabilis sa paghingá
3:
[ST] biyak sa plato
4:
[War] híngal.

hi·nga·bâ

png |[ hing+abâ ]

hi·ngá·han

png |[ hinga+han ]
1:
[ST] hangin o kaligiran na umaakit sa mga hayop
2:
sumbúngan ng samâ-ng-loob.

hí·ngal

png |[ Bik Seb ST ]
:
paghinga na mabilis at malakas ang tunog, karaniwang dahil sa pagod : HÁGAK, HALHÁL, HÁNGAK, HÁNGOS1, HINGÁ4, SÁKA5

hi·nga·lás

png |[ hing+kalas ]

hi·ngá·lay

png |[ hing+kaláy ]
:
pahingang panandalian lámang mula sa isang gawaing pisikal upang makabawi ng lakas : HUYÁHOY

hi·nga·lís

png |[ hing+kalís ]
:
pag-aalis ng bahay gagamba, agiw, dumi, at iba pa sa bubong.

hi·nga·lô

png |pag·hi·hi·nga·lô |[ Seb ST hing+kalô ]
:
kondisyong malapit nang mamatay ; ágaw-búhay : GINGGÓLO, HIMBALANGÁY2 var ingaló Cf SINGHÁP, TIKÁB

hi·ngá·ngay

png |[ hing+kangay ]
:
pagbibiro upang maimbitahan, lalo na sa isang kasalan.

hi·nga·ní·ban

png |[ Hil War ]

hi·nga·ón

pnr |[ Seb ]
:
mahilig kumain.

hi·ngáp

png |[ ST ]
:
paghahanap nang may pag-aalalá — pnd hi·nga·pín, mag·hi·ngáp.

hi·nga·pí

png |[ ST hing+api ]
:
pagpanig, gaya ng hukom.

hi·nga·pít

pnd |hu·mi·nga·pít, i·hi·nga·pít |[ ST hing+kapit ]
:
kumubli o magpakalinga sa iba.

hi·nga·pó

png |[ hing+apo ]
:
pagdalaw ng lolo at lola sa kanilang mga apó.

hi·nga·pós

png |[ hing+kapos ]
:
pagsasalita nang halos hindi humihinga.

hí·ngas

png |[ ST ]
:
pagsasalita nang mabilis at hinahabol ang hininga.

hi·ngá·sa

png |[ hing+asa ]
:
paghabol sa kung ano ang inaasam.

hi·ngá·sing

png
:
paghinga sa ilong.

hí·ngat

png |[ Ifu ]
:
hikaw na kabibe.

hi·ngáw

png |[ Bik Hil War ]
:
kawalang pakiramdam matapos malasing.

hi·ngáw

pnr |Med
:
may sinat ; sinisinat.

hi·ngá·was

png |[ hing+awas ]
:
panahong ligtas o sandaling ginhawa sa gitna ng panganib.

hi·ngá·wot

png
:
salita na pasalin-salin.

híng·bis

png |Zoo |[ War ]

hinge (hingz)

png |Kar |[ Ing ]

hing·gíl

pnd |i·hing·gíl, ma·hing·gíl |[ ST ]
1:
pumunta sa ibang lugar
2:
ihilig ang isang bagay sa ibang lugar
3:
ilagay ang sisi sa kapuwa.

hing·gíl kay

pnt
:
tungkol kay ; tungod kay : LIMBÁGAY

hing·gíl sa

pnt
:
tungkol sa ; tungod sa.

hing·gíw

png |Bot
1:
baging (Streptocaulon baumii ) na payat ang tangkay : HINGGÍW-KALABÁW, MARAÍPUS, SULDÍNG
2:
baging (Malaisia scandens ) na gumagapang pataas, 4 8 m ang habà : MALAIS-ÍS, SÁDAK, SÍGID

hing·gíw-ka·la·báw

png |Bot

hing·híng

png |[ Bik ]

hi·ngî

png
1:
pang·hi·hi·ngî kilos o pahayag para ibigay ng kabilâng panig ang isang bagay Cf HILÍNG — pnd hi·ngín, hu·mi·ngî, i·hi·ngî
2:
bagay na nais ibigay ng kabilâng panig.

hi·ngì·ang tá·wad

png |[ hingi+an+ng+tawad ]
:
paghingi ng tawad sa isa’t isa : PAGPAPATAWARÁN

hi·ngi·bís

png |[ hing+ibis ]
1:
paglilipat ng mga kargamento mula sa isang sasakyan patúngo sa isa pa
2:

hí·ngil

png |[ ST ]
:
paghiling o paghingi, gaya ng batà o maysakít.

hi·ngí·lay

png |[ hing+kilay ]
:
pag-aayos ng kilay.

hi·ngi·li·tî

png |[ hing+kiliti ]
:
kompás na may intensiyong mangiliti.

hing·kín

png |Zoo |[ ST ]
1:
isang uri ng isda
2:
maliit na patíng.

hing·kód

pnr |Med
:
pagiging piláy dahil maikli ang isang paa kaysa kabilâ : TIKÚL var hingkór Cf IKÓD, HILAHÓD, LUMPÓ

híng·kod

pnr |[ Seb ]

híng·law

png |Med |[ Tau ]

hing·lò

png |Zoo |[ War ]

hí·ngos

png
1:
[ST] varyant ng hangos
2:
[Hil Seb] singhót.

hi·ngó·tok

png |Mtr |[ Seb ]
:
pinakamataas na taog o paglakí ng tubig sa dagat.

híng·pit

pnb pnr |[ Seb War ]

hi·ngú·ban

png |[ hing+úban ]
:
pagbubunot ng uban.

hi·ngú·ha

png |[ hing+kuha ]
:
pagtukoy sa sarili kung ano ang tinuran o sinabi sa iba at mag-isip ukol dito.

hi·ngu·kó

png |[ Bik Hil Seb ST hing+ kukó ]
:
pagpútol ng mga humahabàng kuko sa kamay at paa var hinukó

hí·ngul

png |Ana |[ Ifu ]

hi·ngu·lî

png |[ hing+ulî ]
:
pagbalik sa isang pook dahil sa mga abálang naganap doon o upang maghanap ng bagay na naiwan.

hi·ngú·tan

png |[ Seb hing+útan ]
:
tao na gulay lámang ang kinakain o inuulam Cf VEGETARIAN

hi·ngú·to

png |[ Bik Hil Seb ST War hing+kuto ]
:
pagtatanggal ng kuto sa buhok Cf HINIKSIK

hi·ngu·tóng

png |[ hing+utong ]
:
ang libángan ng mga sanggol na laruin ang utong ng kanilang ina Cf HINÚSO

hi·ngut·yâ

png |[ hing+kutya ]
:
damdamin ng pangingimi o pagkahiya dahil sa mababàng kalagayan sa lipunan, pagkakamalî, o kawalang-kakayahan.