hipo


hi·pò

png |[ Hil Seb ST ]
:
pagdamá sa isang bagay sa pamamagitan ng kamay : KAMÍKAM1, SALÁT1 Cf APÚHAP, HAPLÓS, HÁWAK, HÍKAP, HÍMAS, KAPÂ

hí·po

png |[ Bik ]

hí·pok

png |[ Tau ]

hí·pon

png |Zoo |[ Bik Hil Seb Tag War ]
:
alinman sa marami at maliliit na dekapodong crustacean (Crangon crangon ) na may makitid, pahabâng katawan, at nababálot ng talukab, siksik na tiyan, at patulis ang ulo : ÍFUN, ÍPON3, ÍPUN, KAMARÓN1, LAGDÁW1, PÁRO, PASÁYAN, SHRIMP1 Cf ALAMÁNG, KULAGYÁ, SUGPÔ2, ULÁNG

hí·pong bú·lik

png |Zoo
:
uri ng sugpô2 (Penaeus semisulcatus ) na umaabot sa 25 sm ang habà at 130 gm ang bigat, karaniwang matatagpuan sa dagat : BÚKTOT, GREEN TIGER PRAWN, KÚYAN

hí·pong pu·tî

png |Zoo
:
uri ng hipon (Penaeus indicus ) na may habàng 14 sm at bigat na 35 gm, kulay abuhin, at karaniwang nalalambat sa baybayin : LUNHÁN, WHITE PRAWN

hí·pos

pnr |[ Hil ]

hí·pos

png
1:
Zoo [Bik Ilk] mamíng
2:
[Seb] ligpit1

hi·po·sí

pnr |[ Akl ]