ho
Hó!
pdd
:
katagang ginagamit sa pagpapatigil ng kabayo.
hoard (hord)
png |[ Ing ]
1:
anumang tinipon at itinago
2:
mga pangangailangan na itininggal o nakatinggal.
ho·bák
pnd |mag·ho·bák, hu·mo·bák |[ ST ]
:
humupa ang lagablab ng apoy.
hobbit (há·bit)
png |Mit |[ Ing ]
1:
kathang-isip na lipi na kahawig ng tao, pandak, at may mabubuhok na paa
2:
hobby (há·bi)
png |[ Ing ]
:
libángan2 ; paboritong aliwan.
hob·yál
pnr |[ Esp jovial ]
:
masayáhin ; palatawá.
hod·dom·ná
png |[ Ifu ]
:
ikawalo hanggang ikasiyam ng gabi.
Hodgkin’s disease (háds·kins di·sís)
png |Med |[ Ing ]
:
pamamagâ ng mga lymph node.
hod·péng
png |Mit |[ Ifu ]
:
huni ng idaw mula sa malapit, signos na may tagumpay sa simula ngunit mauuwi sa pagkasawi.
ho·hô
pnd |hu·mo·hô, mag·ho·hô |[ War ]
:
umunti, mabawasan.
ho·kà
pnd |hu·mo·kà, i·ho·kà, mag·ho·kà |[ ST ]
:
tanggalin ang bituka, karaniwan ng hayop na kinatay.
hó·kab
png |[ ST ]
:
malakíng kagát.
hó·kap
png |[ ST ]
:
paghitit ng likido gamit ang maliit na túbo.
ho·kás
pnd |ho·ka·sín, hu·mo·kás, i·ho·kás |[ ST ]
:
hubarin ang kamisa o polo.
hó·kot
png |[ Seb ]
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, pagbili ng mga áso para sa pangangáso.
hó·kus·pó·kus
png |[ Ing ]
1:
walang kahulugang mga salita na ginagamit ng mga salamangkero
ho·lák
png |[ ST ]
:
salitâng hindi gaanong magálang na binibigkas kapag nagugutom.
ho·lák
pnd |hu·mo·lák, i·ho·lák, mag·ho·lák |[ ST ]
:
tumigil o magtigil.
hó·lang
pnd |ho·lá·ngan, hu·mó·lang, i·hó·lang |[ ST ]
1:
palakihin ang bútas
2:
magpalamig sa pamamagitan ng paghuhubad.
hold
png |[ Ing ]
1:
paghawak o pagtangan nang mahigpit
3:
pansamantalang paghinto o pagpigil.
hold
pnd |[ Ing ]
1:
humawak ; tumangan
2:
maglamán ; maglulan
3:
magdaos ; magdiwang
4:
6:
yumakap ; yumapos
7:
tumupad ; panindigan
8:
magdalá o dalhin
9:
magtanggol o ipagtanggol ; ipagsanggalang.
hó·len
png
2:
laro ng mga batàng inihuhulog sa maliliit na bútas sa lupa ang maliliit na bolang marmol o kristal.
holism (ho·lí·zim)
png |[ Ing ]
1:
Pil
teorya na ang isang kabuuan ay higit sa suma ng mga bahagi nitó
2:
Med
pagpapahilom sa buong pagkatao, kabílang ang mga salik na pangkaisipan at panlipunan sa halip na mga sintomas lámang ng sakít.
ho·lís·ti·kó
pnr |[ Esp holistico ]
:
tumitingin sa kabuuan.
holland (hó·land)
png |[ Ing ]
:
telang linen na makinis at matibay.
hol·lót
png |Agr |[ Ifu ]
:
batóng dingding sa sulok ng payyo.
hollow (há·lo)
png |[ Ing ]
:
espasyong hindi nalalamnan.
hollow block (há·lo blak)
png |Ark |[ Ing ]
:
parihabâng piraso ng pinatigas na buhangin at semento at pangunahing gamit sa pader o dingding.
Hollywood (há·li·wúd)
png |[ Ing ]
:
distrito sa Los Angeles na pangunahing sentro ng industriya ng pelikula sa Estados Unidos.
holmium (hól·mi·yúm)
png |Kem |[ Ing ]
:
elemento na malambot, pinilakan, at metaliko (atomic number 67, symbol Ho ).
hó·lo
png |Mus |[ Bik Hil War ]
:
awit sa pagsagwan.
holocaust (hó·lo·kóst)
png |[ Ing ]
1:
lansakang pagkawasak o pagkalipol sanhi ng sunog o digmaan
2:
sa maliit na titik, malakíng pinsala na may kaugnay na malakíng bílang ng namatay, lalo na sa apoy.
Holocaust (hó·lo·kóst)
png |[ Ing ]
:
lansakang paglipol sa mga Jew at iba pang pangkáting minorya, tulad ng mga Hitano at bakla, sa ilalim ng rehimeng Nazi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ho·lo·fér·nes
png |[ Heb ]
:
sa Bibliya, heneral na pinugutan ni Judith hábang natutulog.
hó·lo·grám
png |Pis |[ Ing ]
:
hulagway na may tatlong dimensiyon at nabubuo mula sa isang padron sa tulong ng sinag laser.
holograph (hó·lo·gráf)
png |[ Ing ]
:
dokumentong sulat-kamay ng may-akda.
holography (ho·ló·gra·fí)
png |Pis |[ Ing ]
:
pag-aaral o produksiyon ng hologram.
Holy City (hó·li sí·ti)
png |[ Ing ]
1:
lungsod na itinuturing na banal ng mga tagasunod ng isang relihiyon
2:
Holy Family (hó·li fá·mi·lí)
png |[ Ing ]
:
ang batàng Jesus kasáma ang Birheng Maria at si San Jose : SAGRÁDA PAMÍLYA
Holy Ghost (hóli gowst)
png |[ Ing ]
:
Ban
ál na Espíritú.
Holy Land (hó·li land)
png |Heg |[ Ing ]
:
rehiyon sa silangang dalampasigan ng Mediteraneo ; Israel at Palestina ngayon.
Holy Saturday (hó·li sá·ter·déy)
png |[ Ing ]
:
Sábadó de Glórya.
Holy Spirit (hó·li is·pí·rit)
png |[ Ing ]
:
Ban
ál na Espíritú.
Holy Thursday (hó·li térs·dey)
png |[ Ing ]
1:
Huwébes Sánto
2:
sa simbahang Anglican, ang Araw ng Pag-akyat sa Langit.
Holy Week (hó·li wik)
png |[ Ing ]
:
Mahál na Áraw.
home (hom)
png |[ Ing ]
1:
2:
Isp pook na pinagtatapusan ng isang paligsahan o karera
3:
Com
panimulang pintungan ng website o aplikasyon, na karaniwang nagsisilbing buod ng nilalaman at serbisyo nito, at tinatawag ding home page.
homecoming (hom·ká·ming)
png |[ Ing ]
1:
uwî1 o pag-uwî
2:
taunang pagtitipon na ginaganap sa kolehiyo, unibersidad, o hay-iskul para sa mga nagtapos dito Cf REUNION
homeland (hóm·land)
png |[ Ing ]
:
lupang tinubuan.
homeopathy (ho·me·ó·pa·tí)
png |Med |[ Ing ]
:
paggamot sa sakít sa pamamagitan ng paggamit ng mababàng dosis ng droga.
homeostasis (ho·me·o·is·tá·sis)
png |Bio |[ Ing Gri ]
:
estado ng relatibong estabilidad o ang paghilig túngo sa gayong estado ng mga magkaiba at magkabukod na elemento ng isang organismo o ng isang pangkat ng tao.
homeotherm (ho·mé·o·térm)
png |Bio |[ Ing ]
:
organismo na napananatili sa konstanteng nibel ang panloob na temperatura ng katawan, madalas na higit na mataas sa temperatura ng kaligiran.
home plate (hom pleyt)
png |Isp |[ Ing ]
:
sa beysbol at ibang laro, isang sapád at may limang panig na bagay, sa gilid nitó tumatayô ang batter, sa ibabaw nitó pinararaan ang bola na ipinupukol ng pitcher, at tinatapakan ito ng runner para makaiskor : PLATE7
Hó·mer
png |Lit
:
makatang Greek noong ika-8 siglo at itinuturing na may-akda ng Iliad at Odyssey.
home run (hóm ran)
png |Isp |[ Ing ]
1:
sa beysbol at katulad, pagtama sa bola na nagpapahintulot sa batter upang makaikot sa apat na base at makapuntos
2:
puntos na naitalâ sa gayong paraan.
homestead (hóm·is·téd)
png |Pol |[ Ing ]
1:
lupang publiko na ipinamimigay ng pamahalaan
2:
lupain na iginagawad sa dáyo.
homicide (hó·mi·sáyd)
png |[ Ing ]
1:
pagpatáy ng tao sa kapuwa tao
2:
tao na pumatay ng tao.
hó·mi·níd
png |Zoo |[ Ing ]
:
anumang kabílang sa family Hominidae, gaya ng mga espesye mula sa mga genus na Homo at Australopithecus.
hó·mo
png |[ Ing Lat ]
1:
Bio
anumang kabílang sa genus Homo ; ang espesye na Homo sapiens o isa sa kabílang dito
2:
Kol
pinaikling homosexual.
Hó·mo
png |[ Ing Lat ]
:
genus ng mga primate na may dalawang paa, malakíng utak, at gumagamit ng mga kasangkapan, gaya ng tao.
homogamy (ho·mó·ga·mí)
png |Bot |[ Ing ]
:
kalagayang hermaphrodite o iisa ang kasarian ng mga bulaklak ng isang haláman.
homogenize (ho·mó·dyi·náys)
pnd |[ Ing ]
:
gawíng magkakatulad.
homogeny (ho·mó·dyi·ní)
png |Bio |[ Ing ]
:
pagkakatulad dahil iisa ang pinagmulang ninunò o lahi.
homologous (ho·mó·lo·gús)
pnr |[ Ing ]
:
magkatulad ang kalagayan, estruktura, at pinagmulan ngunit may magkaibang funsiyon.