hula


hu·là

png |[ Bik Tag ]
1:
palagay ukol sa isang bagay sa hinaharap : GEMPÂ, GUESS, PAKÚT, PALAGÉ, PALDÉS, PARLÉS, PROGNÓSIS2, TAGNÀ, TIGÓ Cf PROPESÍYA
2:
palagay sa isang bagay na nawawala o hinahanap : GEMPÂ, GUESS, PAKÚT, PALAGÉ, PALDÉS, PARLÉS, PROGNÓSIS2, TAGNÀ, TIGÓ

hú·la

png |Say |[ Ing ]
:
sayaw sa Hawaii na may anim na batayang hakbang at galaw var húla-húla

hu·la·án

png |[ hula+an ]
1:
laro ng paghula sa itinatago
2:
pagsasabihan ng kapalaran ng isa’t isa.

húl-ab

png |[ Seb ]

hú·lab

png |[ Seb ]
:
yábang var húwab

hu·lád

pnr |[ Seb ]
:
túlad o katúlad.

hú·lad

png |[ Seb ]

hu·lág

pnr |Med
:
nakaratay gaya ng isang malubha ang sakít.

hu·lag·pós

png
1:
paglayà sa pagkakatalì : HAGPÓS, LAGPÓS
2:
tákas o pagtakas : HAGPÓS, LAGPÓS — pnd hu·mu·lag·pós, ma·ka·hu·lag·pós.

hu·lág·way

png |[ Seb húlad+dágway ]
1:
Lit pagsasalarawan ng panukalang kaisipan o damdamin sa isang akda ; o ang larawang ikinintal, lalo na sa tula ; o ang larawan bílang talinghaga : IMAGE, IMÁHEN1
2:
reproduksiyon o panggagaya ng isang tao o bagay : IMAGE, IMÁHEN1 Cf IMAGERY
3:
larawan sa isip ng isang wala o nása malayo : IMAGE, IMÁHEN1
4:
isang popular na pagkakilála sa isang tao, produkto, o institusyon na pinalaganap sa pamamagitan ng mass media : IMAGE, IMÁHEN1

hú·la-hú·la

png
:
varyant ng húla.

hu·lak·tób

png |Mus |[ Buk ]

hu·la·láy

pnr
:
nakahilata o namamahinga sa isang upúan.

hu·la·pì

png |Gra |[ hulí+lapì ]
:
panlapi sa dulo ng salita : SUFFIX, SUPÍHO Cf UNLAPÌ, GITLAPÌ

hú·las

png
1:
lúsaw o pagkalusaw Cf TÚNAW
2:
tagas o tulas gaya ng sorbetes na nása apa
3:
Med pagbabâ ng lagnat ; paghupa ng sakít Cf HIBÁS
4:
[Seb Tau] páwis1
5:
[Hil] lámat.

hu·la·sáy

pnr
:
matagal na nakalupasay.

hu·lát

png |[ Hil ]
:
bantay o tagaabang sa mga tao na dumaraan.

hú·law

png
1:
[Hil Tag] pagtigil o paghinto ng marahas na pangyayari, gaya ng paghulaw ng bagyo : ARIPÚNGSAN, BÓSNAN, EPPÁAW, HÚPAW1, ÍKALNÁ, ÍTONDÁ, KUTÁT, LÚBAG1, PALATÎ, TOKÊ, TUÁNG, TUWÁK var húraw
2:
Mtr [Seb] tagtuyót
3:
[Bik] mahigpit na pasiyang huwag gawin ang isang bagay.

hú·lay

png
1:
paglambot ng mga sanga ng punongkahoy dahil sa matagal na tangtang ng malakas na hangin
2:
panghihina at pagbagsak ng katawan.