hunos


hu·nós

png |Agr
:
kaparte o bahagi ng ani na nakukuha ng tagagiik.

hú·nos

png
1:
Zoo pagpapalit ng balát, kaliskis, o balahibo ng hayop, isda, o ibon : HILÚNO, HINGLÒ, LÓWAS
2:
pagbabagong loob
3:
[Seb] kahon ng mesa na hinahatak upang buksan.

hú·nos-dí·li

png
1:
muling pagsasaalang-alang ng balak gawin
2:
pagpigil sa sarili o paghinahon para pag-isipan muli ang nais gawin — pnd mag·hú·nos-dí·li, pag·hú·nos-di·lí·hin.