inla


in·lá

png |Ana
:
itim na bilog na lagusan sa gitna ng iris ng mata, lumalaki at lumiliit upang matimpla ang dami ng liwanag na makakarating sa balintataw : NÍNYA1, PUPIL1, PUPÍLA

in·lá·an

png |Ana |[ ST ]
:
bahay balintataw o ang pabilog na bahagi ng matá sa paligid ng balintataw.

ín·land

pnr |[ Ing ]
1:
nása loob na bahagi ng bansa o rehiyon
2:
tumutukoy sa bahagi ng bansa na malayo sa dagat o hanggahan nitó.

In·lá·od

png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Tinggian.

in-law (in-lo)

png |[ Ing ]
:
pagkakaroon ng ugnayan dahil sa pag-aasawa.

inlay (ín·ley)

png |Sin |[ Ing ]
:
bagay na ibinaón nang pantay sa rabaw at karaniwang ginagamit na dekorasyon.